Saturday , November 16 2024

Venues ng INC Lingap umapaw

MATAGUMPAY na naisakatuparan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang sabayang pagsasagawa ng pinakamalaki at pinakamalawak na Lingap sa Mamama-yan sa kasaysayan ng programa kahapon, 29 Oktubre 2017.

Ang partikular na proyektong Lingap na namamahagi ng pagkakataon sa kabuhayan at iba’t ibang uri ng pagli-lingkod sa mahihirap at nangangailangang komunidad sa maraming bahagi ng bansa at maging sa ibayong dagat ay isinagawa upang ipagdiwang ang ika-62 kaarawan ni  INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo

Libreng serbisyong medikal at dental ang ipi-naglingkod kasabay sa pamamahagi ng “goodie bags” sa 106 iba’t ibang lokasyon sa Luzon, Visayas at Mindanao at marami pang bahagi ng Asya, Europa, America at Africa.

“Ang nagpapatuloy na layon ng Lingap ay magbigay ng tunay na tulong sa ating mga pa-mayanan dito at sa ibang bansa. Kasama natin sa gawaing ito ang mga lokal na stakeholder upang itaas ang antas ng pamumuhay. Kaakibat ng pagbubuo ng panibagong pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ang pagpapalakas ng kanilang relasyon sa Diyos,” paliwanag ni Bro. Glicerio B. Santos, Jr.

Ang pinakamalaking proyektong Lingap ay si-nimulan sa Barangay Maharlika sa Lungsod ng Taguig City at sa Barangay Culiat sa Quezon City na 40 doktor at 30 dentista ang naglapat ng lunas sa mga pasyenteng nagpatingin at nagpagamot.

Mahigit sa 100,000 “goodie bags” ang ipinamahagi sa dalawang nabanggit na lugar sa Kamaynilaan.

Bukod sa programang Lingap na isinagawa sa maraming bahagi ng Kapuluan, isinakatuparan din ang “outreach missions” sa ilang lugar sa Estados Unidos at Ca-nada, sa Timog at Hilagang Europa, sa Africa, Australia, New Zealand, China, Japan, Taiwan, South Korea, Malaysia, Cambodia at mga piling lugar sa Gitnang Silangan kabilang ang Saudi Arabia, Qatar at UAE.

Tinatayang nasa 400,000 “goodie bags” ang ipinamahagi dito pa lamang sa Filipinas.

Kasabay nito, agad pinarangalan ni Santos ang pamumuno ni Exe-cutive Minister Bro. Eduardo V. Manalo bilang pangunahing dahilan ng  tagumpay ng proyektong ito, na naglalayong lalo pang pag-ibayuhin ang dangal ng INC sa pagtulong sa kapwa na lubos na nangangailangan.

“Ang Lingap, na a-ming isinasagawa sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo (FYM) Foundation, ay hindi namimili — mapa-Iglesia man o hindi. Pangkalahatan ang pamamahagi ng tulong sa kapwa. Katulad din ng ating pagpupunyagi laban sa kahirapan, ito ay ‘universal.’ Lubos naming ikinalulugod ang makapag-abot ng tulong,” diin ni Santos.

Binigyang-diin ng o-pisyal ng INC ang iba pang proyektong ma-tagumpay na naisagawa ng Iglesia kagaya ng pagkakatala ng apat na bagong world records sa Guinness Book of World Records noong 2015 dahil sa makasaysayang “Aid to Humanity” Li-ngap outreach and charity event sa Tondo na 17,000 mga bagong pares ng sapatos at 200,000 mga damit ang ipinamahagi nang libre sa nasa-bing komunidad.

“Patuloy naming tutumbasan o hihigitan pa ang tagumpay ng Li-ngap, dahil bawat isang proyekto ay nagsisilbing inspirasyon sa pagsasagawa ng mga proyekto sa hinaharap. Nasusumikap kaming pag-igihan ito dahil hindi ang hamon sa pagtulong ay laging lumalaki,” ayon kay Santos.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *