Monday , December 23 2024

OA na passenger, source ng fake news vs NAIA na kumalat sa social media

BABALA lang po sa mga pasahero o mga taong gagawa ng maling kuwento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Gaya ng ginawa nitong sina Jorge Hizon na kamag-anak umano ng pasaherong si Melinda.

Ilang araw kumalat sa social media at naging viral pa ang reklamo ng pasaherong si Melinda na nawalan umano ng Smart watch at inabot nang 30 minuto bago umano ibinalik sa kanya sa initial security X-ray sa NAIA terminal 2.

Pero nang muling repasohin ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, malayong-malayo sa sinasabi ng kamag-anak ng pasahero na si Jorge Hizon ang tunay na pangyayari.

Ayon mismo kay GM Monreal, inaanyayahan niya sina Melinda at Jorge na panoorin ang CCTV para naman makita nila kung ano ang tunay na nangyari.

Kitang-kita sa CCTV footage, kuha noong October 20, 2017 na ipinakita ni GM Monreal sa media, dumaan sa wastong proseso ang inspeksiyon ng airport security.

Ayon kay Monreal, “Airport CCTV footage clearly indicates that the security screeners observed the standard operational procedure in handling passengers and the allegation that the smart watch was intentionally hidden by the security screeners was not true.”

Kitang-kita umano sa CCTV na taliwas ang sinasabi nina Melinda at Jorge na may intensiyon umano ang security screeners na itago ang Smart watch. Ginagawang mabuti ng security screeners ang kanilang trabaho at walang masamang intensiyon.

Kaya nang makita no’ng female security screener ang relo agad niya itong ibinigay sa pasahero. At hindi inabot ng 30 minutos.

Isa lang ang ikinalulungkot ni GM Monreal, mukhang walang balak humingi ng paumanhin si Jorge Hizon sa ginawa niyang pamamahiya sa kanyang bansa sa buong mundo.

Kahit kitang-kita na mali ang kanilang sinasabi, hindi man lang sila nagpapakita ng remorse at lalong walang planong mag-apologize.

Sabi nga ni GM Monreal, “Our airport image was tarnished by this malicious and erroneous FB post and we appeal to media to help us share to all Filipinos of what is the truth.”

Si Jorge Hizon? Bahala na siya kung magso-sorry siya o hindi.

Pero huwag niyang kalilimutan — “what goes around comes around.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *