Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, ‘di naniniwala na breastmilk is best for the babies

HATE na hate pala ng aktres  na ito na i-breastfeed ang mga dyunakis niya noong sanggol pa ang mga itey, kaya ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tinabangan sa kanya ang dyowa niyang aktor.

Tsika ng aming source, ”Wa talaga niya feel na mag-breastfeed dahil katwiran niya, ayaw niyang lumaylay ang dede niya. Eh, kasi naman noong kasagsagan ng career ng hitad, eh, nagpapaseksi siya. Puhunan nga naman niya ang kanyang katawan.”

Ang hindi alam ng hitad, nagmamarakulyo na pala ang dyowa niya na gustong lumaki ang kanilang mga anak na ‘di formula milk sa lata ang ipinaiinom.

“Madaling araw ‘yon nang maubusan ng powdered milk ang hitad, kaya naman tuwang-tuwa ang dyowa niya. Kasi nga, no choice siya. Kailangang padedehin niya ‘yung baby nila. Ang akala mo ba, eh, nagpatinag ang aktres? Hitsurang dis oras ng gabi, may I go siya sa bilihan ng 24 hours, kaso, out of stock ‘yung binibili niyang formula milk. Hayun, eh, ‘di napilitan siyang magpasuso!”

Da who ang aktres na hindi naniniwala na breastmilk is best for babies kaya madalas silang mag-away ng dyowa niya? Itago na lang natin ang hitad sa alyas na Sandy de la Cruz. 

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …