Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipe, ‘di totoong naging instant millionaire, Spanish-looking Pinoy ang totoong nanalo

ISANG kasama sa panulat ang nagsulat (hindi rito sa Hataw) na sunod-sunod daw ang suwerteng tinatamasa ngayon ni Phillip Salvador. Weeks ago kasi, nasungkit ng kanyang asawang si Ate Emma Ledesma ang jackpot prize sa Solaire Hotel & Casino na umabot sa P29-M. Ilang araw pagkatapos niyon ay si Kuya Ipe naman ang nag-uwi ng P35.4-M.

Inalam namin kung totoo ang nalathalang item. It turned out na fake news ‘yon.

Isang source na suki ng nasabing casino ang nagsabi sa amin na isang Spanish-looking Pinoy businessman ang tunay na nanalo ng tumataginting na halaga.

Kung paanong napagkamalang si Kuya Ipe ‘yon ay ganito. Bandang bago makapananghali ng isang nagdaang Sunday nang nagkakagulo sa isang bahagi ng casino. Inimbestigahan ‘yon ng aming source who had to come down from his hotel room.

Yes, naroon nga ng mga sandaling ‘yon si Kuya Ipe pero yakap-yakap niya ang totoong naging instant multi-millionaire, palibhasa’y magkakilala naman sila.

Sey ng aming source, ”Juice ko, makalulusot ba sa akin kunwaring si Kuya Ipe ang nakagetlak ng jackpot prize? Huwag na sa akin, ‘yun na lang mga utaw sa loob ng casino!”

Oo nga naman, hindi maaaring ilihim doon kung sinuman ang sinusuwerte (o minamalas) sa bawat gabi ng pakikipagsapalaran. For sure, isa lang ang dayalog ni Kuya Ipe na natsitsismis na nagwagi ng milyon-milyong pisong jackpot prize, ”Wish ko lang!” 

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …