Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Aquino, walang stress sa piling ni Kristine Nieto

HINDI mukhang tuyot si Carlo Aquino sa piling ng long-time girlfriend na si Kristine Nieto. Marami ang nakapansin na bumata at kuminis ang mukha ni Carlo sa presscon ng Cinema one Originals 2017 na may tagline na #WalangTakot. Mukhang wala siyang stress sa buhay kaya fresh tingnan.

Kahit six years na ang relasyon nila ni Kristine, pinaghahandaan pa rin niya ang future nila bago niya ito pakasalan. Gusto niya ay makapagtayo muna sila ng business. Sigurado na si Carlo na si Kristine ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Isa pang secret ni Carlo ay kutis BeauteDerm siya dahil gumagamit ito ng BeauteDerm ni Miss. Rei Ramos Anicoche Tan. Kasama siya sa BeauteDerm family na marami rin ang nakapansin na bumata rin ang ambassador nilang si Sylvia Sanchez.

Anyway, mayroong meet and greet sa Beautederm sa Tuguegarao sa October 28, 4:00 p.m.. Gaganapin ito sa Brickston Mall, Puenge Ruyu, Tuguegarao City at sa  Cebu sa  November 18 with Sylvia at Matt Evans. Mayroon ding BeauteDerm Fashion show for A Cause sa SM Davao sa Dec.5 na rarampa ang mga ambassadors ng Mindanao na sina Ms. Anne Feo (actress/commercial model), Ms. Carly Jane Chua (Diwa ng Davao 2017),Ms. Korina Sawan (Mutya Ng Tagum 2014), at Ms. Mj De Castro (BB. Davao Del Norte 2016). 

Samantala, tampok si Carlo sa isang pelikula na kasali sa C1 Originals 2017 na pinamagatang Throwback Todayni Direk Joseph Teoxon na magkakaroon ng pagkakataong baguhin ang kanyang nakaraan. Kasama niya rito sina Annicka Dolonius, Empress Shuck, at Allan Paule.

Magaganap na ang 13th Cinema One Originals mula Nob. 13 hanggang 21 sa Trinoma, Glorietta, Gateway, UP Cine Adarna, Cinema 76 at sa Cinematheque, at magkakaraoon naman ng extended run mula Nob. 22-28 sa Power Plant Mall.

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …