NAGDIRIWANG ngayon ang mining companies na nasa Filipinas lalo nang tanggalin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang bansa open-pit mining.
Parang dinig na dinig natin ang biglang pagye-yeheeey ng mining companies.
Ito umano ang first major policy shift ng DENR.
Ayon kay Chamber of Mines of the Philippines (COMP) Chairman Ronaldo Recidoro, ang desisyon ng decision ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) ay “positive development for the mining industry” dahil ang open-pit mining daw ay tanggap sa buong mundo.
Wattafak!
Ito ay malaking kabaliktaran sa isinulong ni Madam Gina Lopez na parusahan at ipasara ang mga minahan na lumalabag sa isinasaad ng batas.
Malilimutan pa ba natin kung paano inilaban ni Madam Gina ang kanyang paninindigan alang-alang sa sa kapakanan ng bayan at ng likas na yaman?!
Ang masakit nito, mukhang mawawala at mabubura lang ang mga pagsisikap ni Madam Gina dahil sa interes ng iilan…
Ano sa palagay ninyo mga suki?!
ILLEGAL TERMINAL
SA LIWASANG BONIFACIO
TULUYAN NA NGA
KAYANG NAWALIS?
NAPA-WOW naman tayong talaga.
One click lang pala ‘yan! Ganoon lang kabilis na nawalis ng grupo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim ang illegal terminal sa makasaysayang Liwasang Bonifacio sa harap ng Philippine Postal Corporation (PhilPost).
Hanggang kahapon, malinis ang Liwasang Bonifacio. Wala ang mga sasakyang ilegal na nakaparada gaya ng UV Express, provincial buses at iba pang private (colorum) vans sa nasabing pambansang liwasan.
Kung dati ay hindi mahulugang karayom ang Liwasang Bonifacio sa dami ng mga sasakyang ilegal na nakaparada sa nasabing lugar, kahapon ay super-luwag at super-linis. Naglaho na rin ang maantot at pagkapanghi-panghing umaalingasaw na amoy.
Makikita ang mga batang masayang-masayang naglalaro at nagtatakbohan. Parang noon lang nila naunawaan kung ano ang ibig sabihin ng plaza o liwasan.
Kudos MMDA Chairman Danny Lim!
Wish lang natin na sana’y mapanatili at mapangalagaan ni Chairman Lim ang ganyang kaayusan sa Liwasang Bonifacio.
Mangyayari lang ‘yan kung ia-address nang tama ng MMDA ang traffic and parking system sa Metro Manila.
Huwag sanang maging katulad sa kugon na nagniningas pero sa ihip ng hangin ay tuluyang namamatay at nagiging abo ang alab.
Sana’y mapanagot din ni Chairman Lim ang barangay officials at PCP officials na kung ilang dekada o panahong nagkamal at ginawang balon ng delihensiya ang Liwasang Bonifacio.
Mantakin ninyong ilang dekadang binaboy at sinalaula ang monumento ni Gat Andres Bonifacio, ang Pambansang Bayani na isa sa pinagkakautangan natin ng dangal at loob kung kaya’t kahit paano ay alam natin kung ano ang kalayaan at kasarinlan.
MMDA Chairman Danny Lim Sir, ‘yan lang ang tanging pinakaaasam-asam ng mga Manileño, panagutin ang mga gahaman at huwag maging ningas-kugon ang pagiging malinis at maayos ng LIwasang Bonifacio.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com