IPINAUUBAYA ng Department of Education (DepEd) sa school autho-rities ang pagdedesisyon kung magpapatupad o hindi ng make-up classes sa Sabado makaraan kanselahin ng mga opis-yal ang klase dahil sa ASEAN Summit sa Nobyembre.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali, ang current academic calendar ay may 204 school days, ang 180 rito ay “non-negotiable” at ang 24 ay “buffer days” na maaaring gamitin ng mga estudyante para mapunuan ang hindi napasukang mga klase.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ang nagkaroon ng maraming class suspension kompara sa mga probinsiya, ngunit nagamit nito ang 15 mula sa 24 buffer days.
“Iyong decision na magkaroon po ng make-up classes, ibinibigay po natin iyan sa paaralan in coordination with the school division offices,” pahayag ni Umali.
Idineklara ng Malacañang ang 13-15 Nobyembre bilang special non-working days sa Metro Manila, Bulacan, at Pampanga dahil sa 31st ASEAN Summit.
Nauna nang nagdeklara ang Metro Manila mayors ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa 16-17 Nobyembre.