Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Maitim na balak ng faney ni malditang aktres kay sexy aktres, naudlot

“NAKU, sinasabi ko na nga ba’t wala talagang binabalak na maganda sa kapwa niya ang isang aktres na ‘yon, maldita talaga siya sa dilang maldita!”

Ito ang nagpupuyos na galit na sey ng fans ng isang sexy actress laban sa malditang aktres na kaaway nito.

Ang kuwento, dapat pala ay magge-guest ng sexy actress sa lingguhang show ng hitad para i-promote ang kanyang bagong teleserye. Pero tila naulinigan ng seksing aktres na may pinaplano pala ang fans ng malditang aktres laban sa kanya.

“Ewan kung may blessing ng TV network ang dapat sana, eh, gagawin ng fans ng malditang aktres doon sa sexy actress. Ang balak kasi ng mga utu-utong fans, eh, isisigaw nila ang pangalan ng idol nila kung daraan sa harap nila ang sexy actress. Eh, knows naman natin na ganoon na lang ang galit ng malditang hitad na aktres doon sa sexy actress dahil pinagdududahan niyang nilalandi nito ang asawa niya! Hmp, buti na lang, kinansel ang guesting ng sexy actress…eh, ‘di naudlot tuloy ang maitim na balak ng mga faney!”

Da who ang sexy actress at ang hitad na kaaway nitey? Itago na lang natin sila sa alyas na Rhea Torrejon at Margaret Vera.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …