Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez

Kim, idinenay na may dyowang politician

MARIING pinabulaanan ng isa sa bituin ng This Time I’ll Be Sweeter ng Regal Films at mapapanood sa November 8 na si Kim Rodriquez ang balitang isang young politician ang idine-date niya.

“Saan naman po nangggaling ‘yan? Parang ang yaman ko naman pala!

“Ang alam ko po, isa lang ang ginagamit kong sasakyan.

“Kung ano po ang ginagamit ko sa tapings at sa personal na lakad ko, one car lang po.

“Ang business po kasi ng family ko ay nagba-buy and sell ng sasakyan.

“At wala po akong ipinapa-Uber na cars.

“Wala po akong idine-date na politician din.

“Sino raw siya?

“Sana makilala ko para magpasalamat ako sa mga ipinapa-Uber ko  na mga kotse!” pagtatapos ni Kim.

FASHION SHOW
NG ISANG CLOTHING LINE,
KAABANG-ABANG

KAABANG-ABANG ang Bench Under the Stars fashion show na gaganapin sa MOA Arena sa November 18 kung pagbabasehan ang naging patikim at teaser nito na ginanap last Monday, October 23 sa Ibiza Beach Club.

Laman ng imbitasyon ang salitang, ”It all started with a dream. After 30 years of making things happen, our magic is still very much alive.”

Ilan sa celebrities na rumampa ay sina 2016 Ms Universe-Philippines Maxine Medina, Beauty Gonzales, Sanya Lopez, Bianca King, Kim Domingo, Albie Casino, Addy Raj, Bruno Santos, David Licauco, Mark Logan, Kiko Estrada, at Marco Gumabao.

Bukod pa sa pagrampa magiging special treat sa mga manonood ang mga international ambassadors na sina Ivo, Trevor, at Pietro.

Aabangan din dito ang iba pang celebrity ambassadors.

DJ Chiko Tito,
napakikinggan sa Potpot
& Friends at
Balita sa Barangay 

ISA sa maituturing na mahusay na DJ sa local radio stations sa bansa ay ang Barangay 97.1 Tugstugan na si Chiko Tito.

Napakikinggan si DJ Chiko Tito tuwing Lunes hanggang Biyernes sa programang ” Potpot&Friends every 6:00-8:00 a.m. kasama sina Papa Jepoy at Mama Cy.

Ayon kay Chiko Tito, ”Kami ang tumatawag sa mga bahay-bahay with comedy drama ng 7:00 a.m. Potpot serye.”

At kapag Sabado naman ay mapakikinggan ito sa Balita sa Barangay mula 6:00 to 9:00 a.m. kasama ang Barangay LS FM 97.1 showbiz/ blind item authority na si Janna Chu Chu.

“Bukod sa balita sa bansa, nagbibigay din kami ni Janna ng balitang showbiz through ‘Chiko Minute’, napapanahong balita sa bansa, at blindiItem through ‘Chu Chu Minute.’

“And siyempre hatid din namin ang mga awiting swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy,” pagtatapos ni Chiko Tito.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …