NAGPAHAYAG ang isang miyembro ngAegis Juris fraternity nang ka-handaang tumestigo para sa imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni law freshman Horacio “Atio” Castillo III, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nitong Miyerkoles.
Si Marc Ventura, kabilang sa mga kinasuhan ng murder, paglabag sa RA No. 8049, at robbery hinggil sa pagkamatay ni Horacio, ay umamin na kabilang siya sa ginanap na initiation rites, ayon kay Aguirre.
Si Castillo, 22, ay binawian ng buhay bunsod nang matinding pinsala dulot ng hazing.