Saturday , November 16 2024

Broadcast journalist patay sa ambush (Kontra korupsiyon)

PATAY ang isang radio anchor habang sugatan ang kanyang live-in partner makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga lalaki sa Surigao del Sur nitong Martes ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang biktimang sina Christopher Ivan Lozada, 29, operations manager at anchor ng dxBF Prime Broadcasting Network, at Honey Faith T. Indog, 25.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay lulan ng Toyota Vios at pauwi sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek na lulan ng van na walang plaka, at sila ay pinagbabaril.

Agad binawian ng buhay sa insidente si Lozada habang si Indog ay isinugod sa isang ospital sa Bislig City.

Sinabi ni Supt. Rolando Felix, hepe ng Bislig City Police, nagsasagawa sila ng follow-up operation para matukoy at madakip ang mga suspek.

Bago ang insidente, inireklamo ng broadcaster na nakatatanggap siya ng maraming death threats, karamihan ay inilagay niya sa kanyang Facebook page.

Magugunitang si Lozada ay naghain ng reklamo laban kay Bislig Mayor Librado Navarro, na ipina-dismiss ng Office of the Ombudsman nitong nakaraang buwan.

Ang alkalde ay natagpuang guilty ng grave misconduct sa maanomalyang pagbili ng hydraulic excavator na nagkakahalaga ng P14.8 milyon noong 2012.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NJUP), kung mapapatunayang ang pagpaslang kay Lozada ay may kaugnayan sa trabaho, siya ang ika-limang media practitioner na pinaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, at ika-178 mula noong 1986, panahon na sinabing naibalik ang demokrasya sa bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *