Tuesday , December 24 2024

Leni supalpal sa Pet (Recount pinigil)

ISINASAILALIM na sa decryption process ang mga minarkahang dinayang balota sa mga presinto na sinabing naganap ang malawakang dayaan noong 2016 vice presidential voting makaraang ibasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang panibagong pagtatangka ng mga abogado ni VP Leni Robredo na maiantala ang poll recount.

Umuupo bilang PET, tumanggi ang mga mahistrado ng Korte Suprema na pagbigyan ang mga mosyon ng mga abogado ni Robredo, sa pangunguna ni Atty. Romulo Macalintal, na itigil ang decryption process at printing ng ballot images sa tatlong lalawigan na tinukoy sa election protest ni dating senador Ferdinand Marcos, Jr., bilang pilot areas na sinabing may malawakang dayaan.

Bilang pagtalima sa kautusan ng PET, sinimulan nitong Lunes sa Commission on Elections (Comelec)  Central Office sa Intramuros, Maynila ang decryption at pag-iimprenta ng ballot images at iba pang data na natagpuan sa secured digital cards na ginamit noong 2016 voting sa Camarines Sur, Iloilo province at Negros Oriental.

Ang decryption, na tinatayang tatagal nang tatlong buwan at sinimulan sa mga presinto sa Camarines Sur, ay magkakaloob sa PET ng malinaw na pananaw bago ang aktuwal na ballot recount sa sinasabi ni Marcos na ang proklamasyon ni Robredo bilang bise presidente ay resulta ng malawakang dayaan noong eleksiyon.

“This decryption process, which is being attended to and supervised by PET representatives and the Comelec legal department, will facilitate and expedite BBM’s election protest,” wika  ni Atty. Victor Rodriguez, spokesman ni Marcos.

Aniya, ang pagbasura ng PET sa pagtatangka ni Macalintal na muling ipagpaliban ang anomang proceedings  na kinakailangan para sa mabilis na pagresolba sa protesta ni BBM ay pagpapakita ng tunay at tapat na interes ng mga mahistrado na tuldukan na ang kontrobersiya.

Ipinaliwanag ni Rodriguez, sa nakalipas na isa’t kalahating taon ay walang ginawa ang kampo ni Robredo kundi ang kuwestiyonin ang lahat ng pagsisikap ni Marcos para mapabilis ang pagresolba sa kanyang election protest, kabilang ang kanyang hakbang para sa technical examination at  evaluation ng Election Day Computerized Voters List sa tatlong lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na subject ng hiwalay na cause of action.

“All these constant and spurious delaying tactics by the Robredo camp have been going on for more than a year, making us believe that perhaps they know their group was behind the 2016 vice presidential ballot cheating and that the recount will expose their sins to the public, otherwise they should be the once rushing for the recount to prove that Leni’s victory is won from a genuine voters’ mandate,” dagdag niya.

Sa 10 Oktubre 2017 order ng PET sa Exploratory and Retrieval Team na tuntunin ang ballot boxes sa clustered precincts sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental at ilipat sa SC compound sa Maynila, sinabi ni Rodriguez na sa wakas, matapos ang 18 buwan, ay maaaring napansin na ng PET ang taktika ng kampo ni Robredo na maiantala ang proceedings.

“We are glad and sincerely appreciative of the recent decision of the PET which finally allows BBM’s protest to move forward because each step forward is a step closer to the truth,” pagbibigay-diin ng spokesman ni Marcos.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *