BABALA po sa mga kababaihang nagogoyo ng mga dayuhan sa social media online love scam.
Lalo na ‘yung mga babaeng naghahanap ng lovelife.
Marami na po tayong natatanggap na reklamo mula sa ilang kababayan natin tungkol sa online love scam.
Nararahuyo kasi silang mag-involve sa long distance relationship o LDR na later on ay matutuklasan nilang online love scam pala.
Ayon sa Bureau of Customs (BoC), karamihan sa mga nasasangkot dito ay mga Caucasian o mga puti.
Maraming mga Pinay ang nagogoyo rito sa kagustuhang makabingwit ng mga foreign lover.
Halimbawa, sasabihin ng boyfriend nilang foreigner, padadalhan kita ng regalo kunin mo sa Customs.
Aba, siyempre matutuwa naman ang Pinay.
Pero kapag kinukuha na niya, mayroon nang magpapadala ng mensahe na ipadala muna ang bayad sa “duty and taxes” sa ganitong pangalan o ganitong shipping firm.
Sasabihin na kapag fully paid na, ide-deliver ang package sa kanya.
Ang siste, nawalan na ng pera, nawalan pa ng package ang Pinay. At nawala na rin ang nagpapanggap na dayuhang lover!
Tama ba ‘yun?
Mali po iyon.
Ayon sa BoC, ang duties and taxes para sa kanila ay binabayaran mismo sa government-owned bank gaya ng Land Bank of the Philippines.
Para nga maiwasan ang mga scam na gaya nito, hindi pumapayag ang BoC na ideposito sa private account ang bayad sa duties and taxes.
Anila, “In the BOC, we don’t allow payment of duties in a private account. It shall be deposited to the account of the Bureau of Customs under Land Bank of the Philippines only, per existing (Commission on Audit) regulation.”
‘Yan po, klaro ‘yan.
Kaya unsolicited advice po sa mga kababayan natin, huwag pong magpagoyo sa ganitong scheme.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com