Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Komedyanteng beki arestado sa hipo

NAHAHARAP sa kasong act of lasciviousness ang isang komedyanteng beki makaraan halikan, yakapin at hipuan ang maselang bahagi ng katawan ng isang bell attendant ng sikat na casino hotel sa Parañaque City, nitong Linggo ng hapon.

Nasa kustodiya ng pulisya ang inireklamong komedyante na si Ronnie Arana alyas Atak, 45, ng 12 New Manila, Quezon City.

Habang kinilala ang nagreklamong biktima na si Mark Christian Macavinta, 21, bell attendant sa Okada Manila sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Base sa ulat kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., nangyari ang insidente dakong 2:40 pm sa Entertainment City, Room 725 ng Okada hotel-casino.

Sa reklamo ni Macavinta sa Parañaque City Police, bilang bell attendant ay inasistehan niya si Arana sa complimentary room ng komedyante ngunit pagpasok niya ay isinara ng suspek ang pintuan ng silid, at pagkaraan siya ay niyakap, hinalikan at hi-nipuan sa maselang bahagi ng katawan. 

Ikinagulat ng biktima ang ginawa sa kanya ni Arana kaya’t nagpumiglas siya hanggang makawala.

Agad niyang ini-report sa security personnel ang insidente naging dahilan upang hulihin ng mga guwardya si Arana at dinala sa Parañaque City Police.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …