Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halloween sa Snow World

MAY isang nakagisnang kuwento sa Japan tungkol kay Yuki Onno, isang multo na sinasabing lumilitaw kung nagsisimula nang magkaroon ng snow. Mabait siyang multo at sinasabing tinutulungan niya ang mga taong nagkakaroon ng aksidente sa snow. Maging ang sikat ngayong Game of Thrones ay nagsasabing mayroong “snow ghosts”.

Kaya dahil Halloween naman ngayon, magkakaroon din ng mga snow ghosts sa Snow World sa Star City. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng “animated figures” sa loob ng Snow World. Makikita ninyo silang sasalubong sa inyo sa pagpasok sa snow play area, ang iba ay nanlilisik pa ang mga mata. Pero sila ay naroroon hindi para manakot kundi para magbigay saya sa mga guest ng Snow World.

Dahil karamihan ng mga guest ng Snow World ay mga bata, minabuti nilang mga hindi naman masyadong nakatatakot na figures ang kanilang ilagay sa loob.

May mga mangkukulam ding lumilipad. May bungo na nanlilisik ang pulang mata. Pero walang nakatatakot talaga. Marami ang natutuwa sa kanilang Halloween display na makikita na ninyo ngayon, at mananatili sa Snow World hanggang sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Ang Snow World ay bukas araw-araw mula Lunes hanggang Huwebes simula :00 p.m. at simula 2:00 p.m naman tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Ang Snow World, ang nag-iisang tunay na snow attraction sa Pilipinas ngayon na matatagpuan sa Star City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …