Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Blackmail sa GF nude photos & video (Kelot arestado)

SWAK sa rehas na bakal ang isang lalaki makaraan arestohin sa entrapment operation ng mga pulis nang pagbantaan ang dating kasintahan na ikakalat sa networking sites ang hubo’t hubad niyang mga retrato at video kapag hindi nakipagbalikan sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala sa suspek na si Jaymar Gozon, 28, ng D.C. Bauza St., Brgy. Bagumbayan South, Navotas City, inaresto ng mga operatiba ng Malabon Police Community Precinct (PCP-6) sa loob ng fastfood chain sa Rizal Avenue, Brgy. Tañong, makaraan pumayag ang kanyang ex-girlfiend, 25, na makipagkita sa kanya.

Ayon kay Insp. Paul Dennis Javier, humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad nang i-post ng kanyang ex-lover ang hubad niyang mga retrato at videos sa kanyang private message sa pamamagitan ng messenger nang walang paalam sa kanya.

Pinagbantaan ng suspek ang ex-girlfriend na ipo-post ang kanyang mga hubad na retrato at videos sa Facebook kung hindi pumayag na makipagkita at makipagbalikan sa kanya.

Sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PCP-6, dinakip ang suspek at nakuha sa kanya ang Samsung Duos cellular phone at nakitang naka-save doon ang mga hubad na retrato at video ng biktima.

Sinampahan ng pulisya si Gozon ng kasong paglabag sa R.A. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at grave coercion sa Malabon City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

EMPLEYADO TIMBOG
SA SEXTORTION

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lalaki sa motel sa Maynila makaraan siyang ireklamo ng dating katrabaho ng pananakot na ipakakalat sa social media ang kanyang hubo’t hubad na mga retrato at at video kapag hindi pumayag na makipagsiping.

Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Huwebes ng gabi, dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa entrapment operation ang suspek na si Federico Angulo, 48-anyos, habang nasa loob ng sasakyan na nakaparada sa garahe ng isang motel sa Malate, Maynila.

Kumilos ang mga operatiba ng NBI-NCR nang makompirmang nasa motel ang biktima kasama ang target na si Angulo.

Ayon sa reklamo ng biktima, Oktubre 2016 nang mag-alok ang dati niyang katrabaho na si Angulo na ihahatid siya pauwi galing sa kanyang gym session.

Ngunit habang nasa sasakyan, binigyan siya ng suspek ng inomin na naging dahilan para mawalan siya ng malay.

Ayon sa biktima, dinala siya ng suspek sa isang motel, pinagsamantalahan, at kinuhaan ng video at retrato habang hubo’t hubad.

Makalipas ang ilang buwan, kinontak daw siya ng suspek at nagbantang ia-upload ang mga hubo’t hubad niyang retrato at video kapag hindi siya pumayag na makipagtalik.

Dahil sa takot, napilitan siyang sumunod sa kagustuhan ni Angulo.

Ayon kay Atty. Cesar Bacani, hepe ng NBI-NCR, nang muling tumawag at humirit si Angulo sa ikatlong pagkakataon ay nakipag-ugnayan na sa kanila ang biktima kaya ikinasa ang entrapment operation.

Itinanggi ni Angulo ang akusasyon ng biktima at iginiit na mayroon silang relasyon.

Itinanggi rin niyang tinakot niya ang biktima at wala rin aniya siyang ipinainom sa babae.

Ngunit nakita ng NBI sa cellphone ni Angulo ang kanyang mga mensahe sa biktima na nagbabanta tungkol sa pag-upload ng mga retrato at video.

Kakasuhan si Angulo ng paglabag sa Anti-video and Photo Voyeurism Act at rape.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …