Saturday , November 16 2024

44 mananaya wagi sa Lotto ng PCSO (Sa loob ng 9 buwan)

NAKAPAGTALA ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 44 milyonaryo sa loob ng siyam na buwan ngayong taon, pagkatapos manalo sa mga larong lotto ng ahensiya, at naghati sa kabuuang halaga ng jackpot prize na P2.2 bilyon, inihayag ni General Manager Alexander Balutan nitong Biyernes.

Ayon kay Balutan mula Enero hanggang Setyembre 2017, 44 mananaya ng lotto mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang masuwerteng nakabingwit ng jackpot prize, pagkatapos nilang mahulaan nang tama ang 6-number winning combination.

Nanguna sa listahan ang Lotto 6/42 sa dami ng nanalo ng jackpot na nakapagtala ng 16 winners, at naghati sa kabuuang halaga na P319 milyon, ang Mega Lotto 6/45 ay may 9 panalo na nagkakahalaga ng P460 milyon; Super Lotto 6/49 na may 8 winners na nagkakahalaga ng P495 milyon; ang Grand Lotto 6/55 na may 6 winners at naghati sa kabuuang halaga na P444 milyon; habang ang Ultra Lotto 6/58, ang pinakamalaking lottery game ng PCSO ay nakapagtala ng 5 winners na nagkakahalaga ng P542 milyon.

“Para sa bawat taya na gagawin mo, para sa bawat P20 na halaga ng tiket sa lotto na iyong ginagastos, P6 mula sa presyo ng tiket na iyon ay napupunta sa mga serbisyong kawanggawa ng ahensiya,” paliwanag ng general manager.

Ayon kay Balutan, sa pamamagitan ng pagtaya ng mga tao sa lotto ay nakalilikom ang ahensiya ng dagdag pondo na ginagamit para sa mga programang pangkalusugan tulad ng Individual Medical Assistance Program (IMAP), na itinutulong nila sa mga taong may karamdaman.

Ang PCSO lotto draw ay live na mapapanood sa People’s Television tuwing 9:00 ng gabi. Ang mga manlalaro ay pumipili ng 6-winning number combination (sa anomang pagkakasunod-sunod) upang magkaroon ng pagkakataon na manalo sa jackpot prize na maaari nilang i-claim sa head office ng PCSO sa Mandaluyong City.

“Ang mga larong lotto ng PCSO ay narito upang maghatid ng totoong layunin, ang matulungan ang mga nangngailangang Filipino sa pamamagitan ng mga serbisyo at programang kawanggawa ng goberyno. Kami ay masaya sa tuwing may isang tao na nananalo sa alinman sa aming lotto games, dahil tiyak na mapapabuti ang kanilang buhay mula sa kahirapan,” pahayag ni Balutan.

Kamakailan ay sinabi ni Balutan na ang mga laro ng PCSO ay nakatuon sa responsableng paglalaro upang matiyak na protektado ang mga tao mula sa masamang bunga ng pagsusugal na maaaring humantong sa pagkagumon.

“Ang PCSO ay nagsusulong ng responsableng paglalaro kung kaya’t mangyaring patuloy na tangkilin ang aming mga produkto, dahil hindi lamang ito daan at pagkakataon na maging isang milyonaryo, tinutulungan rin ang mga kapos-palad nating mga kababayan sa tuwing bumibili ng lotto ticket, dahil 30 porsiyento ng mga benta nito ay awtomatikong pumupunta sa charity, kabilang ang mga serbisyong may kaugnayan sa kalusugan,” paliwanag ni Balutan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *