Sunday , November 17 2024
Mag-inang Fely Guy Ong at Herbert G. Ong kinilala ng Filipino Inventors Society (FIS) Inc. (Sa ika-74-taong pagkakatatag)

Mag-inang Fely Guy Ong at Herbert G. Ong kinilala ng Filipino Inventors Society (FIS) Inc. (Sa ika-74-taong pagkakatatag)

BILANG parangal sa kanilang ambag sa pag-unlad ng mga imbensiyon sa bansa, ginawaran ng pagkilala ng Filipino Investors Society, Inc., ang mag-inang Fely Guy Ong at Herbert G. Ong kasabay ng ika-74 taon pagka-katatag nitong Sabado, 14 Oktubre 2017 sa Roma Salon, Manila Hotel sa pangunguna ng kanilang Pambansang Pangulo na si Inv. Manuel Ruiz Dono.

Ang FIS ang pinakauna at nangungunang organisasyon ng mga imbentor sa Filipinas. Kasabay ng okasyong ito ay ginawaran ng mga plake at sertipiko ng pagkilala ang mga bagong Life Members ng FIS bilang mga natatanging imbentor na nakapag-ambag at patuloy na nag-aambag ng mga kapaki-pakinabang na imbensiyon na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.

KAPWA ginawaran sina FGO Herbal Foundation, Inc., owner Inventor Fely Guy Ong at ang kanyang anak na si Inventor Herbert G. Ong ng sertipiko ng pagkilala bilang mga bagong Life Member/s ng Filipino Investors Society (FIS) Inc., kasabay ng pagdiriwang ng ika-74 anibersaryo ng pagkatatatag noong Sabado, 14 Oktubre 2017 sa Roma Salon ng Manila Hotel. Kinilala ang imbensiyon ni FGO na Krystall Herbal Oil at iba pang produkto gaya ng Krystall Nature Herb tea dahil sa pambihirang kakayahang magpagaling ng iba’t ibang karamdaman habang ang kanyang anak na si Inv. Herbert ay kinilala sa naimbentong electronic cigarettes. Pinangunahan ni FIS President Manuel Ruiz Dono ang pagpaparangal sa mga natatanging imbentor ng bansa. Nagpugay din sa selebrasyon sina Atty. Jose “Joey” Lina, Manila Hotel, President/Director at FIS Honorary Chairman; Engr. Edgar I. Garcia, Technology Application and Promotion Institute (TAPI) Director; at Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña.

Isa sa bagong FIS Life Member ay si Inv. Fely Guy Ong (FGO) na siyang nag-imbento ng Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herb tea, at iba pang produkto ng FGO Herbal Foundation na kinikilala dahil sa kakayahan nitong magpagaling ng iba’t ibang karamdaman.

Katunayan, ang Krystall Herbal Oil ay kilala sa tawag na “miracle oil” dahil sa pambihirang bisa ng mga haplos nito sa bahaging may karamdaman. Bukod sa Krystall Herbal Oil, mabisa rin ang Krystall Nature Herb tea, Yellow Tablet, Vit. B1B6B12, Fungus, at Soaking Powder ng FGO Herbal Foundation.

Ang mga produkto ng FGO Herbal Foundation ay kilala hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo. Maraming mga Filipino ang sumusubaybay sa kolum n’yang “Back-to-Basics Natural Healing” na lumalabas tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa HATAW! D’yaryo ng Bayan.

Bukod sa pagbibigay ng health tips, mababasa rito ang mga patotoo ng mga napagaling ng mga produkto ng FGO Herbal Foundation, Inc. Patunay ito nang hindi matatawarang husay ng imbensiyon ni Inv. FGO.

Bukod kay Inv. FGO, kinilala rin ang kanyang anak na si Inv. Herbert G. Ong, na nakaimbento ng pambihirang electronic cigarette at anim pang ibang imbentor na Filipino na sina Inv. Ralph Cabrera, Inv. Pedro H. Delantar, Inv. Frederick V. Erum, Inv. Ivan Spencer A. Lim, Inv. Dalmacio B. Muring, at Inv. Aquilino A. Tubigan, Jr.

KASAMA ni Inv. Fely Guy Ong ang kanyang anak na si Inv. Herbert G. Ong nang pagkalooban ng plake at medalya ng Golden Globe Annual Awards for Filipino Achievers sa kanyang husay sa Natural Healing at Alternative Medicine noong 23 Setyembre 2017 sa Manila Hotel, One Rizal Park, Maynila.

Nakiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo sina Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña, Technology Application and Promotion Institute (TAPI) Engr. Edgar I. Garcia, at FIS Honorary Chairman Atty. Jose “Joey” Lina, President and Director ng Manila Hotel.

Inilahad ni FIS president, Inv. Dono ang kanilang mga proyekto bilang paghahanda sa nalalapit na Diamond anniversary nito sa susunod na taon.

Kabilang rito ang posibilidad na paglulunsad ng “adopt-an-inventor” program na naglalayong tumulong at sumuporta sa mga imbentor na Filipino.

ANG plakeng ipinagkaloob kay Fely Guy Ong bilang lifetime member-inventor ng Filipino Inventors Society, Inc.

 

NAKATANGGAP din ng plake si Herbert G. Ong bilang lifetime member of Filipino Inventors Society, Inc., ang imbentor ng electronic cigarettes.

 
FGO 40-TAON
WALANG TIGIL
SA PAGTUKLAS
NG KAGALINGAN

TAPOS man ng B.S. Commerce, Accounting Degree sa Far Eastern University (FEU) mas naging malapit sa puso ni FGO ang pasasaliksik ng kaalaman hinggil sa alternative medicine.

‘Yan ay dahil sa kanyang paniniwala sa pilosopiya ng panggagamot na pagbabalanse ng Yin at Yang at ang batayang kaalaman sa herbal medicine na naipamana ng kanyang lola.

Noong 1977, naging sakitin si Herbert. Bilang ina, inaalagaan ni FGO at pinagaling ang anak sa pamamagitan ng likas na pamamaraan ng panggagamot at herbal nutrition.

Para paunlarin pa ang kanyang kaalaman sa alternatibong medisina, noong 1984, nagpasya si FGO na mag-aral at magsaliksik ng iba’t ibang pamamaraan sa natural healing kabilang ang herbal medication, crystal healing, reflexology, pranic healing, iridology at iba pang likas na pamamaraan.

Taong 1988, nagpunta siya sa China para sa malalimang pag-aaral sa alternatibong medisina at pagkatapos ay sa Estados Unidos para sa abanseng pananaliksik hinggil sa iba’t ibang uri ng natural healing.

Noong 1989, opisyal niyang itinatag ang FGO Herbal Foundation, Inc., upang isulong ang natural healing at inilunsad ang Krystall Herbal Oil at iba pang herbal products bilang alternatibong gamot sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Hindi nabigo si FGO sa kanyang layunin, noong 1994 pormal siyang kinilala ng Filipino Inventors Society bilang miyembro dahil sa patuloy na pagpapaunlad ng Krystall herbal medicines.

Sa kanyang araw-araw na pagsisikap na makatulong sa mga kababayan nating nag hahanap ng alternatibong medisina, simple lang ang pilosopiya sa panggagamot ni FGO.

Ito ay nakasentro sa pagbabalanse ng lahat ng panloob at panlabas na elementong nakaaapekto sa kalusugan ng isang tao na makikita sa pamamaraan ng kanyang pagkain, pag-inom, pamumuhay, pag-iisip at pagdama.

Ayon kay FGO, ang prinsipyo ng likas at praktikal na pagbabalanse, kasama ng sentido kumon, ang nakatulong upang mapaunlad niya ang sistema ng likas na pang-gagamot.

Naniniwala si FGO na ito ang kanyang misyon sa pagse-serbisyo sa mga taong kailangang alalayan upang makamit ang mabuting kalusugan at maiwaksi ang pagkakasakit.

Balanse at alternatibo ang dalawang salitang nagpapanday kay FGO upang patuloy na tumuklas ng mabisang gamot sa mga nagkakasakit nating kababayan.

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *