Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marawi
Marawi

Rehabilitasyon ng Marawi, now na!

SA wakas, nagkakalinaw na ang matagal na pangako ng pamahalaan na magwawakas na ang Marawi siege na ilang beses din namang naudlot. Pero ngayon, malinaw na malinaw na patapos na nga ang giyera dahil napatay na ang dalawang lider ng Maute group.

Inianunsiyo ni Defense Secretay Delfin Lorenzana na patay na si Islon Hapilon at Omar Maute, senyales na pawakas na ang gera, lalo pa’t isa-isa na rin nababawi ang hostages. 

Ngayong patay na ang mga lider ng terror group, dapat sigurong pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng Marawi nang makapagsimula na rin kahit paunti-unti, ng bagong buhay ang mga apektadong mga taga-Marawi. 

Mahalagang unahin ng pamahalaan kung paano bibigyan ng bagong kabuhayan ang buhay at kabuhayan ng bawat pamilyang nasira ng giyera; ang mga batang nasira ang kabataan dahil sa matinding gulo; ang mga ina at ama na nawalan ng mga anak sa giyera at mga anak na nawalan ng magulang.

Isa rin dapat ikonsidera ng pamahalaan ay kung dapat na bang wakasan ang martial law sa Mindanao para makausad nang husto mula sa dilim dulot ng giyera sa Marawi at iba pang lugar sa Mindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …