PAREHONG nagdeklara ng tagumpay ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kahapon sa isinagawang dalawang araw na tigil-pasada.
Matatandaang nauna nang ipinahayag ng grupong PISTON noong Lunes na nagawa nilang ma-paralyze ang 90% ng jeepney transport sa buong bansa at kahapon ay idineklara nga ni George San Mateo, national president ng PISTON na tagumpay ang dalawang araw ng tigil-pasada na isinagawa ng kanilang grupo kasama ang ilang militanteng grupo.
Patunay nito ang pagdedeklara ng suspensiyon ng klase at ng opisina ng gobyerno ng Malacañang sa dalawang araw na kilos protesta.
Samantala, Iginiit din ni LTFRB spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada ang tagum-pay nila sa isinagawang dalawang araw na transport strike ng grupong PISTON. “We also claim victory, why? Bakit hindi kayo nakakombinsi ng isang transport group na sumama sa inyo? That is already victory on the ground,” ani Lizada.
Dagdag ni Lizada, noong Lunes, out of 14 regions, 11 ang hindi lumahok sa tigil-pasada. Kahapon naman, out of 74 vehicles ay 10 lang ang kinailangan nilang ilabas. “We are basing our data on the dispatching of vehicles, asan ‘yung datos nila?” ani Lizada.
Kinuwestiyon din ni Lizada ang pakikilahok ng ilang militanteng grupo sa kilos protesta. “Transportation lang kami pero bakit ang kaharap namin mga left leaning groups, isn’t that quite alarming?”
Kinondena ni San Mateo ang mga pahayag ni Lizada. Aniya, ‘epal’ ang tingin niya kay Lizada sa pagpunta sa lugar na kanilang pinagpoprotesta-han. Ang pagpunta umano ni Lizada ay pagkilala na malakas ang welgang isinasagawa nila sa lugar.
Iginiit din nilang ‘deo-dorizer’ at ‘bayaran’ ng malalaking korporasyon si Lizada. Hamon ni San Mateo, “Kung hindi ki-nansela ang klase ng da-lawang araw, ano ang estimate ng LTFRB na ma-stranded?”
Umiikot ang LTFRB bilang tugon sa mga natatanggap nilang reports. “In Pampanga, binabasag ‘yung mga windshield. In commonwealth, hinaharang. I personally saw it. May bata pang kasama…” ani Lizada
Dagdag ni Lizada, “Sa peaceful assembly okay lang po tayo. Do not take the road.” Magsasampa rin umano ng kaso ang LTFRB kay San Mateo na violation of public service law.
Handa umano si Li-zada na harapin ang grupong PISTON basta’t magbigay ng position paper ngunit tumanggi si San Mateo sapagkat hindi umano si Lizada ang gusto niyang kausapin kundi ang presidente. (LOVELY ANGELES)
MAS MAHABANG
TIGIL-PASADA
BANTA NG PISTON
NAGBANTA ang transport group Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng mas mahabang tigil-pasada kapag tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay harapin at ang iba pang civil groups na tumututol sa jeepney modernization program.
“Kung palagay natin ang style ng gobyerno lagi na lang kakanselahin ‘yung klase, isa, dalawang araw, siyempre kasama na sa konsiderasyon natin ‘yan sa susunod [na strike]. Baka mas mahaba sa susunod,” pahayag ni George San Mateo ng PISTON.
Sinabi ni San Mateo, dapat ikonsidera ni Duterte ang ibang alternatibo sa jeepney modernization program, na sa kanilang paniniwala ay “marketing program” para sa ilang korporasyon.
Muling sinabi ni da-ting Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño, tinututulan nila ang mabigat na pasanin na posibleng maranasan ng mga commuter at driver sa modernization program, at hindi ang positibong epekto ng pag-upgrade ng mga jeep.
“Sino ba naman ang tatanggi kung papalitan ang jeep nang mas magandang jeep? Sino ba namang tatanggi kung tataas ang take home pay ng mga driver? Wala namang tatanggi riyan,” ayon kay Casiño.
(JAJA GARCIA)