SA aking pagkakakilala kay Cristine Reyes, selosa siya. Sinabi rin ito noon ng kanyang asawang si Ali Khatibi nang minsang mainterbyu namin siya. Pero hindi na iyon ang nakikita namin sa aktres.
Sa pakikipag-usap namin sa kanya para sa pelikulang Spirit of the Glass 2 mulaOctoArts Films at T-Rex Entertainment hindi na siya nagseselos dahil naniniwala siyang loyal at honest sa kanya ang asawang si Ali.
Paano’y kitang-kita niya ang pagiging hands-on daddy ng asawa sa kanilang anak na si Amarah.
Sinabi pa ni Cristine na family man ang kanyang mister dagdag pa rito na hindi siya binibigyan ng dahilan ni Ali para magselos.
“Siguro kung may instances na mayroon akong dapat pagselosan babae pa rin ako, alam mo ‘yun. I’m sure. I’m just saying right now hindi naman niya ako binibigyan ng rason para makaramdam ng selos,” giit ni AA (tawag kay Cristine).
Ipinagmalaki ni Cristine ang pagiging disiplinado ng kanyang asawa kaya natutuhan niya rin iyon.
Nilinaw naman niya na hindi totoong pinagbabawalan na siya nitong magpa-sexy.
“Wala naman siyang ipinagbabawal, ang sa kanya lang kung gagawa man ako ng isang project make sure na it’s something that Amarah would be proud of.
“Kung noon kahit ano kaya kong gawin dahil wala naman akong iniisip na anak at asawa, ngayon dahil kasal kami, may asawa ako, may anak ako siyempre lahat ng desisyon ko na gagawin ngayon kailangan makabubuti rin sa kanila,” paliwanag pa ni Cristine.
Sa kabilang banda, sunod-sunod ang pelikulang nagtatampok sa aktres. Pagkatapos ng magandang rebyu sa kanya sa Seven Sundays ng Star Cinema, ito namangSpirit Of The Glass 2 na idinirehe ni Jose Javier Reyes ang kasunod.
Makakasama niya rito sina Daniel Matsunaga, Bb. Pilipinas-UniverseMaxine Medina, Janine Gutierrez, Benjamin Alves, Enrico Cuenca, atAshley Ortega.
Sinasabing ito ang pinaka-nakatatakot na pelikula ng taon at tiyak na pag-uusapan ng mga Pinoy mahilig sa horror-suspense films.
Mapapanood na ang Spirit Of The Glass 2: The Haunted sa Nov. 1 sa mga sinehan nationwide.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio