Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alessandra, pinagdidirehe ni Boss Vic del Rosario

ISANG malaking pressure ba kay Alessandra de Rossi ang 12 pagkatapos ng tagumpay ng Kita Kita sa takilya?
“Kilala niyo naman ako. Hindi naman ako sa ganoon naka-focus when I do a movie. Unexpected naman ang inabot ng ‘Kita Kita’ so, blessing para sa akin ‘yun. Sa pagkakilala niyo sa akin, ako ‘yung I just speak my mind. Na deadma rin lang naman sa kung anuman ang sabihin ng tao. Wala naman akong puwedeng gawin.”
Sumusulat na siya ng istorya. Ng script. Alam ba niyang mayroon ng gumagawa niyon na gaya rin niyang artista?
“Ngayon na lang. Eh, hindi naman ako poet. Parang naisip ko lang. Though sa journal ko nasusulat ko na my thoughts cryptically. Sinabi ko roon sa producer namin na si Lucky na basahin niya and give me her opinion. Taong 2015 pa ito, eh. At may isa pa akong isinulat, ‘yung ‘The Diary of a 30-Something Woman’ na iniisip kong gawing serye. Pero sabi naman ni Boss Vic (del Rosario) i-direct ko next year. Maski rito nga sa ‘12, sabi niya noong una ako na ang magdirehe. Ayokong may makompromiso. Mahirap to serve two masters at the same time. Mahirap na ako pa magdirehe sa sarili ko. Metikuloso ako, ‘no!”
One thing more na hindi puwede ipagawa sa kanya eh, ang sumalang sa commercials na may kinalaman sa bisyo at laswaan.
“Walang hard drinks or alcohol. Wala ring motel o hotel. Kasi, hindi naman ako umiinom. At ni hindi nga ako nakikipag-halikan sa mga pelikula ko. Maski sa pagkain. Kasi, vegetarian ako! Basta mayroon ng dumating na bagay talaga sa akin!”
Sa kuwento ni Alex, ang suwerte nga ni Empoy (Marquez) dahil ipinaubaya niya rito na tanggapin ang offers na sila sana ang magkasama.
“Kaya, I am happy for Empoy. ‘Yun nga lang, noong makita ko ‘yung figures ng talent fee ko sana, muntik akong himatayin. Pero sandali lang. Para kasing may nagbulong na o sumagi sa isip ko na sabi ni Lord na, okay lang kasi may ibibigay ako sa ‘yong mas malaki riyan. Nangyayari naman.”
Don’t ask her about her love life (kay Marc Abaya?) Simple lang ang sagot ng aktres.
“Busy ako!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …