Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Digong sisibakin si Alvarez

SOBRA-SOBRA na ang kahihiyan at kapalpakan ang ginagawa nitong si Rep. Pantaleon Alvarez, at napapanahon na para sipain at palitan sa kanyang puwesto bilang Speaker ng House of Representatives.

Hindi pa ba sapat ang resulta ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) na nagpapakita ng pagbagsak ng performance rating ni Alvarez simula nang pamunuan niya ang Kamara? Talaga bang singkapal na ng tabla ang pagmumukha nitong si Alvarez para manatili sa kanyang puwesto sa kabila ng kawalang tiwala sa kanya ng taongbayan?

Sa pinakahuling survey kasi ng Pulse Asia, bumaba ang trust at approval rating nitong si Alvarez ng tig-10 puntos. Sa dating 41 percent, lumagapak ang trust rating niya sa 31 percent. At ang approval rating naman niya ay bumagsak sa 33 percent sa dating 43 percent.

Ganon din ang resulta ng survey ng SWS.  Bagsak din ang performance nitong si Alvarez.

Batay sa huling survey ng SWS, sadsad si Alvarez sa kanyang performance rating mula sa 34 percent pababa ng 26 percent.  Walong punto ang ibinaba nito na itinuturing na pinakamababang rating na kanyang nakuha habang siya ay Speaker ng Kamara.

Kaya nga, malinaw na ang resulta ng Pulse Asia at SWS survey ay batayan na hindi talaga matino ang pamamalakad nitong si Alvarez bilang Speaker ng Kamara. Napapanahong kumilos na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, kausapin na ang super majority  para tuluyang masibak sa puwesto si Alvarez.

Hindi pa ba sapat na ang kabastusan nitong si Alvarez nang aminin niyang meron siyang ‘kabit’ habang legal pa siyang kasal sa kanyang misis na si Emelita? Hindi rin  dapat palagpasin ni Digong ang ginawang pagtulog ni Alvarez sa priority bills ng palasyo.

Ilan sa priority bills na nakaburo pa rin hanggang ngayon sa Kamara ang pederelismo, pagbuwag sa contractualization, emergency power para tugunan ang lumalalang trapik sa Metro Manila, freedom of information, usapin sa diborsiyo at iba pang mahahalagang panukala.

Tunay na magulo ang Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Alvarez. Hindi na dapat palagpasin ito ni Digong. Sibakin na sa puwesto si Alvarez.

PAGBATI SA MGA LUPON
NG BARANGAY PARADA

Binabati natin ang mga lupon sa barangay Parada, Valenzuela City. Ang kanilang serbisyong ibinibigay ay mahalaga sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.

Ipagpatuloy ang maaayos na serbisyo sa inyong komunidad para sa isang magandang pamayananan.

Bigyan din natin ng pagpupugay si Michael Nacion, isang masipag na ama na patuloy na naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya. Kung maliligaw kayo sa palengke ng Parada huwag kakalimutan ang kanyang tindang malamig na buko.

Binabati rin natin si Lupon Carte Carreon. Sabi nga niya… “talagang gay-on lang.”

Mabuhay ka!

SIPAT
ni Mat Vicencio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …