INAMIN ni Aga Muhlach na hindi pa sila nag-aaway ng kanyang dating beauty queen wife na si Charlene Gonzales kaya naman sobrang ipinagmamalaki nitong sabihin na ang kanyang asawa ang bumubuo sa kanyang pagkatao.
“My wife makes it work. Para siyang anghel na ipinadala sa akin. Nakita ko talaga ‘yun, before I proposed to her. Kaya walang ligawan talaga, kasalan agad!”pagmamalaki ng aktor.
Naganap ang pagtatapat na ito ni Aga sa Tonight With Boy Abunda na Sa tanong ni Boy kung anong mas gusto ni Aga— sex o chocolate, isinagot nitong, ”Sex, aanhin ko ang chocolate eh, nakakataba pa yan! Payat ko nga ngayon,” bulalas nito.
Inamin pa ni Aga na araw-araw silang nag-uusap ni Charlene mula sa kanilang paggising at pagkakape ng kung ano-anong bagay lamang.
Aniya, ”We just talk, talk, talk. Coffee, coffee then, let’s just go to the gym.”
At hindi roon nagtatapos ang kanilang usapan dahil pagdating ng kanilang mga anak mula sa school ay tuloy pa rin. Nanonood sila ng TV, kumakain at pagkatapos, nag-uusap pa rin sila.
Sa puntong iyon, biglang ipinasok ni Boy ang kanyang ‘sex or chocolate’ na tanong na ikinatameme ng aktor. Namula ito at hindi agad nakasagot at ang ending, hindi sinagot ang tanong hanggang natapos ang show pero may pahabol ang host, ”best time for sex?” na sinagot naman ni Aga ng, ”Wala namang oras ‘yan.”
So, therefore, I conclude na puwedeng nangyari ang sex in between sa talk-talk session nila.
Check Also
Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama
RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …
Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok
BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …
Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO
KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …
Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play
RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …
Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia
RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …