Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xander sa mga larawan lang better-looking

LAGARE ang tinaguriang Pambansang Oppa (sino pa kundi si Xander Ford?) noong Lunes.
Twice kasi siyang naging panauhin sa magkaibang programa sa TV5. Isa sa umaga, isa sa hapon.
Bandang alas singko ng hapon (till 6:00 p.m.) nang kapanayamin siya ng Kapatid na si MJ Marfori. Tamang-tama namang sagasa ‘yon sa aming Monday edition ngCristy Ferminute sa Radyo Singko pero namo-monitor namin ang nagaganap saTV5.
Pansin lang ng mga viewer na nakatutok ng mga oras na ‘yon ay tila malayo sa retocated look (retokado) ang hitsura ni Xander noong hapong ‘yon. Kumbaga, ‘di hamak na better-looking siya sa mga larawan kompara sa kanyang live guesting aura.
We were informed na kaya pala ganoon ang hitsura ng bagets ay dahil hindi siya kinulapulan ng makeup.
Medyo nahiwagaan kami roon, kung lumabas na ngang pagkaguwapo-guwapo niya after the cosmetic surgery ay bakit pa nga naman kakailanganin pa siyang meyk-apan?
Samantala, labag man sa kalooban ni Tita Cristy Fermin ay “pinatulan” namin bilang subject of discussion sa radyo ang dating Marlou Arizala. Labis kasing ikina-turn off ng radio anchor-columnist ang pagpapamalas ng kaangasan ni Xander this early part in his showbiz career.
Ang sagutan nila ng kaibigan at kumpareng Ogie Diaz sa social media ang ginamit naming pamantayan to support our collective take tungkol sa ugali ni Xander.
May linya kasi roon si Xander na humihingi siya ng dispensa ”kung nasasapawan ko kayo” patungkol kay Ogie. Nasasapawan saan? Eh, hindi naman sila magka-level. Magkaiba rin ang kanilang larangan.
This early ay dapat may mahusay na career adviser si Xander. Best of all, makatutulong ding magpaturo siya ng GMRC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …