Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Publiko, inaabangan kung may talent nga ba ang isang Xander Ford

POST ito ng kumpare at kaibigang Ogie Diaz sa Facebook.
May taping kasi siya para sa Home Sweetie Home na guest si Xander Ford. Niyaya ni Ogie ang isang female singer na lumapit kay Xander.
Pero tumanggi ito sabay sabing, ”Ayoko! Mayabang ‘yan!” na siyempre’y si Xander ang tinutukoy.
Nag-ugat ang komentong ‘yon ng female singer nang masaksihan nito si Xander sa entrance ng ABS-CBN. Humahangos ang retokadong showbiz upstart, dahil nga may taping ng HSH.
Siyempre, mga nakatalagang guard ang bubungad sa entrance. Sey ni Xander,”Guard, guard, papasukin n’yo ‘ko. Ako si Xander Ford.”
Para sa amin, hindi astang kayabangan ang inasal ni Xander. Alangan naman kasing”Marlou Arizala” ang pakilala niya sa mga guwardiya, eh, siya na rin ang maysabing, ”Marlou Arizala is dead!”
Pangalawa, hindi naman siguro lahat ng mga guwardiya ay si Xander agad ang rumehistro sa kanilang kamalayan. Kami man ay mamangha muna pagka-sight namin sa kanya, at saka lang maiisip na ay, oo nga pala, siya si Xander Ford.
Gusto naming isipin na anyo lang ang nagbago kay Xander, hindi ang kanyan ugali o asal maliban na lang kung ipinanganak talaga siyang hambog.
Gusto naming tawagin na “confidence” ‘yon sa halip na arrogance. Ikaw na ang magtaglay ng ganoong hitsura, it’s but natural na madagdagan ang kompiyansa mo sa sarili.
Sa ngayon, ang higit na dapat patunayan ni Xander ay kung nagtataglay ba siya ng mga katangian para maging isang karapat-dapat na artista.
He already has the looks, ang pangunahing requirement. Pagdating sa work attitude ay hindi pa natin gaano tiyak.
As far as talent is concerned, ‘yun ang inaabangan ng publiko. Does he have it or not? Now, if he hall these qualities to back up his ambition, sige, Xander Ford, magyabang ka dahil may “K” ka naman!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …