Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivo Ouano, daring sa Solo Para Adultos (For Adults Only)

GAME at palaban sa daring at sexy scenes ang dating StarStruck alumnus na si Vivo Ouano sa sex-comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) sa Music Museum sa October 20. Hatid ng Red Lantern Productions at mula sa pamamahala ni Direk Alejandro ‘Bong’ Ramos, gumaganap dito si Vivo bilang masseur na sasabak sa love scenes kina April Gustilo at John Raspado. Tampok din dito sina Andres Vasquez, Tori Garcia, Brylle Mondejar, at ang komedyanang si Mosang.

Inusia namin si Vivo kung gaano ka-daring ang role rito? Esplika niya, “Di ko po kasi alam kay direk Bong eh, pero alam ko talagang daring yung mga mangyayari sa play. Hinihintay pa naming, kasi siyempre ngayon, ang ginagawa pa lang namin ngayon, panay script ano lang panay acting lang muna, wala pang yung actual yung maghuhubad, tapos yung mga bed scene namin ni John, tsaka mga scene namin ni April.”

May nude scene ka ba rito? “Oo, mayroon siyempre,” matipid na sagot niya.

Dagdag pa ni Vivo, “Okay naman na naka-underwear lang, okay lang naman yun, kaya naman iyon.”

May love scene rin daw siya sa kapwa lalaki dito at pati sa babae. “Oo mayroon sa lalaki at mayroon din sa babae.”

May kissing scene ka ba sa lalaki rito at okay lang sa iyo yun? “Mayroon, mayroon ding mga scene na ganoon.”

Aminado rin siyang hindi pa niya ito nasusubukan, “Oo, hindi pa, kaya iyon nga ang mahirap eh. Kaya kapag sa bed scene namin ni John, medyo lagi kaming nagtatawanan. Kasi ay nakaka-ilang, eh. First time ko pa lang ito talaga sa teatro at first ko rin lang maghuhubad, hahaha! Kasi, naghuhubad ako pero pa-selfie-selfie lang, sa picture lang. Pero iyong ganito… kaya medyo nailang din ako, pero kaya naman.”

For tickets, call Ticketworld at 891-9999. For more details about the play, follow it on Facebook, Twitter and Instagram @SoloParaAdultosthePlay

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …