Tuesday , December 24 2024

Oplan Tokhang itinigil ng PNP (Riding-in-tandem reresbakan — Bato)

IPINATIGIL na ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang Oplan Tokhang.

Iniutos ni Dela Rosa ang paghinto nito sa buong bansa kasunod ng atas ni Pangulong Duterte na nagtatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maging tanging ahensiyang ma-ngunguna sa kampanya kontra droga.

Ayon kay Dela Rosa, tututok muna sila sa mga kampanya kontra kriminalidad, partikular sa mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem, at sa paglilinis ng kanilang hanay o internal cleansing.

Sa ngayon, aniya, tigil ang lahat operas-yon kontra-droga na pinangungunahan ng PNP sa buong bansa.

Ngunit ayon kay Dela Rosa, hindi nangangahulugang tagumpay ang mga kritiko ng giyera kontra droga dahil sa pagti-gil ng operasyon ng PNP.

Paliwanag niya, nariyan pa rin ang PDEA para ipagpatuloy ang mandato ni Duterte.

Nauna nang sinabi ng PDEA na maaari pa rin silang humingi ng tulong sa PNP para ipagpatuloy ang kampanya kontra droga.

Sinabi ni Dela Rosa, handa silang umagapay sa PDEA kung kinakailangan.

RIDING-IN-TANDEM
RERESBAKAN
— BATO

MAKARAAN alisin sa kanila ang responsibilidad sa “war on drugs” ng pamahalaan, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa, balak ng pulisya na tutukan ang mga tinaguriang “riding-in-tandem.”

“Humanda kayo [at] ibubuhos namin lahat ng galit namin sa inyong mga riding-in-tandem. Tignan natin kung ‘di sila maubos,” paha-yag ni Dela Rosa.

Ngunit pag-amin ng PNP, wala pa silang eksaktong bilang ng mga nabiktima ng riding-in-tandem.

Samantala, may i-lang bayan na ang nagsagawa ng mga aksiyon bilang tugon sa pagsugpo sa riding-in-tandem.

Isa sa mga ito ang Dasmariñas, Cavite na bumuo ng “no helmet” policy makaraan ang i-lang insidente ng barilan sa kanilang lungsod.

Nailipat na ang pamumuno sa anti-illegal drug operations ng bansa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *