PARA sa kanyang stature o estado, tila “demotion” na masasabi ang pagtatanghal kamakailan (October 6) ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) sa Music Museum.
Hindi namin minemenos ang nasbing concert venue pero para sa mga singing upstarts o ‘di kaya’y hindi gaanong superstar ang lugar na ‘yon.
Seating capacity-wise ay hindi rin gaano karami ang puwedeng magkasya roon unlike sa ibang bigger venue na angkop lang pagtanghalan ni Jake na isa nang international singer.
Gusto naming isipin na hindi naman kasi si Charice ang main attraction kundi si Jake na “bagong silang” lang sa larangan ng pag-awit. And since Jake is a virtually new artist, magandang testing ground ang Music Museum para masukat ang public acceptance sa kanya.
Samantala, hindi pala ang pagpapakita ng dibdib ni Jake—na unang kumalat—ang nagsilbing pasabog ng concert kundi ang duet nina Charice at Jake.
So, parang Doble Kara lang ang peg!
Seriously, masaya kami para kay Jake dahil nagkaroon siyang muli ng renewed enthusiasm sa kanyang craft. Malaki talaga ang nagagawa ng may bago siyang pinaghuhugutan ng inspirasyon to continue what she loves doing and what she does best.
Understandable kung wala sa gabi ng kanyang concert ang ina niyang si Mommy Raquel at sa halip ay sinipot ‘yon ng kanyang grandma na siLola Tessie.
Speaking of Mommy Raquel, kumusta na nga ba ang planong pagsasampa niya ng kaukulang demanda laban sa MMK (at pati sa ABS-CBN)? Pero alang-alang man lang sa anak na pilit bumabangong muli, Mommy Raquel should have showed up at Jake’s concert.
Kaso nga, nganga!
Check Also
Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai
HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …
Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5
HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …
Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama
RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …
Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok
BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …
Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO
KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …