Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, thankful sa Wildflower  co-stars sa suporta sa Balatkayo

SOBRA ang kagalakan ni Aiko Melendez sa matagumpay na pagdaraos ng premiere night ng Balatkayo mula BG Productions ni Ms. Baby Go. 
Naganap ito last Tuesday night sa Megamall-Cinema-2 at bukod sa mga kaibigan at fans ni Aiko, full-support din dito ang co-stars niya sa top rating TV series nilang Wildflower sa pangunguna ni Maja Salvador.
Dumating si Maja sa premiere night na may dala pang bulaklak para kay Aiko. Present din sa naturang event ang co-actors nila sa Wildflower na sina Joseph Marco at Vin Abrenica.
Kung sa Wildflower ay magkaaway na mortal sina Aiko at Maja bilang sina Emilia Ardiente at Ivy Aguas/Lily Cruz, respectively, sa tunay na buhay ay close ang dalawang aktres. “I was just texting her on my way here… I didn’t know that she’s gonna come here, sobrang touched ako, sobra. I love her e, she knows that, I really love her, I adore her. So, sobrang salamat na she’s here,” ani Aiko.
Dagdag niya, “Yes, pati kina Joseph Marco and Vin, sobrang thankful for the support. I’m speechless, I’m ver happy to be part of a very-very big and wild show.”
Sa maikling panayam naman namin at ng ilang taga-media kay Maja noong gabing iyon, sinabi niyang, “I love Ate Aiko, she’s my ate and I’m here to support her.”
Proud na proud ang lady boss ng BG Productions na si Ms. Baby dahil sa tagumpay ng premiere night ng Balatkayo at sa magandang feedback sa pelikula. ”Happy and proud siyempre ako sa movie namin, maganda ang movie at magagaling ang artista ko lalo na si Aiko, pati si Direk Neal. May aral na mapupulot dito ang moviegoers, lalo na ang mga OFW. Plus, may nag-iimbita na sa amin sa filmfest abroad,” nakangiting saad niya.
Sa pelikulang Balatkayo, malalim na tinalakay ang buhay ng mga OFW na nagsasakripisyo para mabigyan ng maayos na kinabukasan ang kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat sa buhay, minsan ay nasisira ang kanilang pamilya dahil sa kalungkutan at tukso.
Si James Robert ang solong anak dito nina Aiko (OFW sa Singapore) at Polo Ravales (OFW sa Dubai) na masasangkot sa sex-video scandal.
Mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan, tampok din dito sina Nathalie Hart at ang dating PBB Housemate na si Rico Barrera. 
Showing na ngayon ang Balatkayo na distributed by Regal Films. Nakatakda rin itong ipalabas sa Singapore, Hongkong, Abu Dhabi, Dubai, at Bahrain. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …