Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

TV host actor, ‘di nakaligtas sa ‘lupit’ ng dyowang aktres

PASINTABI sa aming mga mambabasa kung nagkataong kumakain sila sa mga sandaling ito. May kuwento kasing “yucky” sa likod ng paghihiwalay ng isang TV host-actor at ng isang aktres.
Sa loob ng panahong magkarelasyon sila’y dumanas ng matinding diarrhea (LBM) ang aktor. Nagkataong naka-check in sila sa isang hotel.
Siyempre, sa CR na lang ng kanilang tinutuluyang hotel room iraraos ng aktor ang tawag ng kalikasan. Pero huwag daw doon, sey ng aktres. Mangangamoy nga naman kasi ang buong kuwarto lalo’t air con nga naman ‘yon.
Ang gustong mangyari ng nobyang aktres ay bumaba na lang sa ground floor ang dyowa dahil may restroom din naman doon para sa mga hotel guest.
Walang nagawa ang aktor kundi bumaba, at gumamit ng CR sa ground floor hitsurang maraming tao ang nakakakilala sa kanya.
Da who ang malupit na aktres at ang TV host-actor nitong dyowa? Itago na lang natin sila sa alyas na Angeline Lucresia at Louie Mantikilya. 
(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …