TILA nagpapalusot na ang administrasyong Duterte sa harap ng United Nations at grupong Human Rights Watch sa pagsasabing ayon sa depinisyon ng Extrajudicial Killing na ipinalabas ng nagdaang administrasyong Aquino ay walang EJK na nagaganap sa Filipinas.
Dangan kasi ayon sa limitadong depinisyon ng Administrative Order 35 na pinirmahan ni dating justice department secretary at ngayo’y senadora na si Leila De Lima, masasabi lamang na may EJK kung ito ay ginawa ng “state and non-state forces” to silence, “through violence and intimidation, legitimate dissent and opposition raised by members of the civil society, cause-oriented groups, political movements, people’s and non-governmental organizations, and by ordinary citizens.”
Dahil sa depinisyon na ito ng EJK ayon sa AO 35 ay pinandigan kamakailan ng Philippine National Police na walang nagaganap na EJK sa ating bayan kahit sinasabi ng human rights defenders na umaabot na sa halos mahigit 13,000 ang mga naging biktima ng digmaan laban sa droga ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni De Lima mula sa kanyang piitan na ginugulo ng kasalukuyang administrasyon ang depinisyon ng EJK para palabasin na hindi totoo ang malaganap na patayan.
Ipinaliwanag niya na ang AO ay ipinalabas para tugunan ang mga suliranin kaugnay sa pagpatay sa mga aktibista at mga reporter lalo na noong panahon ng administrasyong Arroyo. Hindi ito umano para mailigtas sa pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan sa “state sanctioned murder.”
Hindi na karapat-dapat pang makipag-debate umano sa administrasyon at hayaan na lamang sila na magmaang-maangan dahil hindi sa lahat ng panahon ay puwede silang magkunwari.
Ayon naman sa HRW, hindi puwedeng lumusot ang administrasyong Duterte sa pananagutan sa pamamagitan ng paggamit ng makitid na depinisyon ng EJK ng AO ni De Lima.
Sinabi ni Human Rights Watch (HRW) Advocacy Director John Fisher bilang bahagi ng pandaigdigang komunidad at matapos pumirma sa mga kasunduan kaugnay sa pagtatanggol sa karapatang pantao, dapat kilalanin ng Filipinas ang pandaigdigang depinisyon ng EJK na: extrajudicial killing refers to the “killing of a person by government authorities without sanction of judicial proceeding or legal process.”
Kalokohan umano ang ginagawang pagbali ng Duterte administration sa mga depinisyon ng EJK.
“The fact is that there have been thousands of reported deaths in the Philippines in the context of the so-called war on drugs. The government cannot just define these bodies out of existence through the application of some legal term,” diin ni Fisher.
***
Dating Bise Presidente Jejomar Binay pinayagan ng hukuman na makalabas ng bansa sa kabila ng mga kasong kinakaharap sa Sandiganbayan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.