Sunday , December 22 2024

Manedyer ni Zander Ford nanggoyo ng mga estudyante

MAY malaking kabulastugan ang talent manager ni Marlou Alizala, alyas Zander Ford. Pinasikat siya sa prorama ni Korina Sanchez-Roxas sa Rated K dahil biktima kuno ng cyberbullying kaya sumailalim sa cosmetic surgery para raw mabago ang kanyang panlabas na anyo.

Pero nang nag-trending si Zander Ford, ilang graduating students ng University of Caloocan City ang nag-request sa kanyang manedyer na si Vince Jeremias para ma-interview si Zander bilang halimbawa ng Generation Z.

Naningil si Vince ng P60,000 para sa interview kay Zander kaya nataranta ang mga estudyante. Sa kagustuhang ma-interview ang inaakala nilang tamang imahe ng kanilang henerasyon, pumayag sila sa halagang P20,000 kaya nagdeposito sila ng down payment na P10,000 sa kompanya ni Vince na Star Image Artist Management Aqeous Entertainment.

Eto ang siste, minamadali ni Vince ang mga estudyante na ideposito sa account nila ang kabuuang P10,000 kahit wala pang nagyayaring  interview.

Paliwanag ng isang estudyente: “‘Yung interview po na gagawin namin is parang talk show po. Nasa studio po kami. Iso-shoot po namin ‘yun with cameras. Sa amin po lahat ang gastos. Napagdesisyonan po kasi ng mga kagrupo ko na si Marlou ang bagay para sa theme namin na Generation Z. Ang TF daw po talaga niya is 60k natawaran lang po ng 20k. Nakapag-down na po kami ng 10K sa kanya pero wala pa pong contract. Kasi ang gusto po niya (Vince) ma-secure daw po ‘yung date. Kasi marami na raw po makikipag-agawan kay Marlou. Kaya po nag-deposit na kami ng half. E ngayon po kasi naniningil na ulit for other half para raw po maayos na ‘yung pagkaka-audit nila. Noong nagtanong na po ako sa may alam sa entertainment, noon lang po namin nalaman na wala pala dapat. Tapos nanghihingi na raw po ng update sa other half iyong Vince para ma-send na rin daw po iyong contract.”

Pero tulad ng ibang manggogoyo, nang mabatid ni Vince na may kakilala sa media ang ilang estudyante ay nagpabago-bago na ang kanyang pahayag at ayaw na rin niyang makipag-usap sa mga graduating student.

Sa huling balita, pinapupunta ng assistant ni Vince ang mga estudyante na binabawi ang TF na naideposito sa kanilang account sa kanilang opisina sabay sabi ng isang Glenda Piad De Guzman na “forfeited” na raw ang kanilang ibinayad.

Malinaw na nanraraket ang grupo ni Vince na sinamantala ang pekeng pagsikat nitong si Xander. May planong magreklamo sa pulisya ang mga estudyante dahil napakahalaga sa kanila ang binitiwang pera magkaroon lamang ng magandang proyekto para makatapos ng pag-aaral. Tsk.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *