HINDI na tayo nagtataka kung bumagsak man ang rating ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pinaka-latest na survey ng Social Weather Station, na bumagsak ng 18 puntos ang kanyang net satisfaction rating.
Maraming matitinding isyu ang nangyari sa gobyernong Duterte, kaya kahit na anong kontrobersiya na maungkat, tiyak na madadawit at madadawit ang pangulo rito, dahilan para nga bumagsak ang kanyang rating.
Gaya nang maraming nagdaang pangulo na mabangong-mabango ang pagpasok nila sa Palasyo, pero habang tumatagal unti-unting nababawasan ang appeal sa publiko.
May kasabihan ngang, “you can’t please everyone.”
Sa dami ng isyung kinakaharap ng administrasyong Duterte, isama na rito ang samot-saring akusasyon na ibinabato sa kanya, marami ang agad-agad na naniniwala at nawawalan ng tiwala.
Pero meron namang nagmamatyag lamang at patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa pangulo at sa kanyang administrasyon sa mga hakbang na kanyang gagawin.
Hindi dapat ikabahala ng pangulo at ng kanyang administrasyon ang pagbagsak ng kanyang rating, lalo kung determinado naman siyang paghusayin pa ang paglilingkod sa bayan.
Hindi imposibleng mababawi ni Duterte ang tiwala ng mga Pinoy na naniniwala sa kanya.
Check Also
Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty
SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …
Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi
AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …
Gunning for amendments
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …
Seguridad ng QCitizens sa ‘Misa De Gallo’ tiniyak ni Buslig
AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …
3 araw ng Metro road deaths
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …