ANG pagpatay sa mga teenager na sina Kian delos Santos, Carl Arnaiz, at Reynaldo de Guzman ay maaaring bahagi ng hakbang na siraan ang giyera kontra droga ng admi-nistrasyon, ayon sa opisyal ng Public Attorneys’ Office.
Ang paraan ng pagkamatay ng 19-anyos na si Arnaiz ay kaduda-duda, ayon kay PAO chief Persida Acosta.
“Kahit sino mag-iisip noon na bahagi ng destabilization. May noble intent ang campaign against drugs…So mag-iisip ang kahit sino, maging pangkaraniwang mamayang Filipino, na parang may sabotahe rito,” pahayag niya sa mga mamamaha-yag.
Sinabi ni Acosta, ang mga tao sa likod ng kampanya ay posibleng siya ring nais mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kamakailan, dumalo ang abogado sa inilunsad na pro-Duterte group, ang Citizen National Guard, tinagurian ang political opposition bilang kaaway ng estado.
Ang tanggapan ni Acosta, tumutulong sa pamilya ng tatlong pinaslang na kabataan, ay nagpresenta ng bagong testigo kaugnay sa pagpaslang kay Arnaiz, na sinasabing napatay sa shootout makaraan holda-pin ang isang taxi driver.
Ang testigo, kinilalang si Joel Cruz, ay nagtatrabaho sa punerarya na kumuha sa bangkay ni Arnaiz mula sa crime scene.
“Iyong kanyang testimony ay nagja-jibe sa forensic ana-lysis namin doon sa probable time of death nitong si Carl na more or less four hours na si-yang patay,” ayon kay Acosta.
Check Also
Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …
DSWD relief goods inire-repack
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN
HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …
Chavit, umaariba sa poll ratings
HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …
Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT
IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …
Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP
KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …