MARESPETONG kausap ang anak ni Aiko Melendez na si Andre. Nakausap namin ang binata noong premiere night ng New Generation Heroes.
Sa pakikipag-usap namin kay Aiko, inamin nitong gusto niyang makasama sa isang major project ang anak. Ganoon din pala ang gusto ni Andre. ”Alam naman natin na broken family kami, ‘di ba? Kahit man lang sa movie ay magkakasama kami, kahit si mommy na lang,” wika nito.
Dagdag pa ng binata ni Aiko, hindi niya kayang tapatan ang kahusayan sa pag-arte ng kanyang mga magulang (ang kanyang amang si Jomari Yllana) pero gagawin nito ang buong makakaya para hindi mapag-iwanan sa aktingan.
“Kung ano po ang kaya kong ibigay hanggang doon lang talaga. Ayaw ko pong pilitin na magmumukha akong trying hard.
Speaking of New Generation Heroes, palabas ito bilang Teacher’s Month presentation ng Golden Tiger Productions sa selected cinemas nationwide na tungkol sa apat na guro na may kanya-kanyang pinagdaanan bilang magtuturo.
Check Also
Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party
NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …
Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan
HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …
Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula
HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …
Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko
I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …
Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan
HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …