Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Sikat na aktres, inayawan ng may-ari ng isang produkto dahil sa taas ng TF

PRESYONG ayaw nga ba, o sadyang malaki ang presyong katapat ng isang sikat na aktres bago tumanggap ng commercial endorsement?

Kuwento ito ng isang aktres na inalok mag-endorse ng bagong brand ng suka’t toyo. Nang makontak ng may-ari ng kompanya, siyempre, tinanong kung magkanix ang TF nito.

“Naloka ang may-aring Tsi-ne-se, P10-M daw ang asking price ng lola mo, eh, ke bago-bago pa nga lang naman ng produktong ilalabas sa market! Hayun, nag-back out ang may-ari, ibang artista na lang ang kukunin nila na mura-mura ang presyo pero effective endorser din,” sey ng aming source.

Katwiran ng may-ari, okey lang kung magpresyo ng milyones ang aktres, kaso ni isa nga sa TV commercial ay wala siyang umeere.

“Roon na lang sa mas visible, at saka ang tanong…hindi yata marunong magluto ang lola mo kaya hindi rin siya gumagamit ng suka’t toyo!”

Da who ang aktres na inayawan na tuloy ng may-ari ng pabrika ng suka’t toyo dahil sa taas ng TF niya?

Itago na lang natin siya sa alyas na Maribel Masantol.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …