Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para malinaw at walang debate

PALAGI namang may debate hinggil sa mga calls and non-calls ng mga referees sa anumang laro  – basketball, football, boxing o iba pa.   

Ganoon talaga sa sport kung saan may mga referees na tao at hindi robots.(Wala pang ganito, e.)

Hindi naman kasi perpekto ang tao, Tinitimbang ng referees ang sitwasyon, ang mga pangyayari at ang anggulo ng kanilang nasaksihan.

E, hindi naman nila puwedeng makita ng 360 degrees ang lahat dahil sa paharap lang ang mga mata nila. Wala sa tagiliran at wala sa likuran. So hindi talaga nila makikita ang lahat ng nangyayari.

E, kahit na ang mga nanonood sa coliseum o sa arena ay hindi naman nakikita ang lahat. Makikita lang nila ang gusto nilang makita hindi ba?

So, goal tending ba o hindi ang ginawa ni Glen Rice sa dulo ng Game Three ng best-of-five semis ng TNT Katropa at Barangay Ginebra noong Biyernes?

Crucial kasi iyon dahil sa nabigyan ng technical free throw ang Gin Kings.

Ayon sa rule book, bawal sumabit sa ring. Kapag ginawa mo ito, goal tending o interference iyon.

Sumabit si Rice at wala namang nakaambang sahod sa kanya. So, tama ang tawag ng referees.

Ang tanong ko: Bakit pag si Arwind Santos ang lumambitin sa ring at tatapakan pa ang board ay hindi goal tending?

Pareho lang sumabit ha. Pero ‘for the fans’ ang ginagawa ni Santos.

So ano ang kaibahan niyon? Nasasaad ba sa rules iyon na kapag lumambitin ka sa ring para sa fans ay okay lang, Hindi technical?

Dapat kapag sumabit ka sa ring kahit kelan, technical ang tawag dun!

Para malinaw at walang debate.

SPORTS SHOCKED
ni Sabrina Pascua



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …