Wednesday , December 25 2024

Kim Atienza tinutukan ng baril ng police col. na nanghihiram ng tapang sa baril

HETO na naman…

Nakarinig na naman tayo ng awtoridad na nanghihiram ng tapang sa baril.

Isang police superintendent na naungusan lang ng bikers asap mo e mauubusan ng kalsada.

Mismong anak ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na si Kim Atienza ang nakaranas ng angas ng isang police colonel na mukhang nanghihiram lang ng tapang sa kanyang baril.

Bilang magulang, nag-alala si Congressman Lito Atienza na ‘hairline’ na lang ang pagitan ay puwede nang barilin ng nasabing police official ang kanyang anak at ang mga kasamang bikers at para i-justify ang kanyang pamamaril, tataniman na lang niya ng droga at baril ang bangkay ng tatlo.

Ang insidenteng ito ay nangyari, two weeks ago. Habang nagbibisikleta sina Kim Atienza at ang dalawa niyang kasama sa isang kalsada sa Sta. Rosa, Laguna bigla ngang huminto sa harap nila ang sasakyan ng nasabing police colonel at isa-isa silang tinutukan ng baril sa mukha.

“My son Kim, and his group. They were just cycling and exercising along the highways of Laguna, biglang may umovertake na kotse, galit na galit. Binabaan sila tinutukan ng baril sa mukha lahat,” ani Rep. Atienza.

Ang suspetsa ng grupo ni Kim, nagalit ang police colonel nang malampasan nila. Kasi nga nagba-bike sila. Kaya nang abutan sila, sinabihan sila na, “Ang yayabang ninyo!”

Nagalit siguro si police colonel, kasi baka maubusan siya ng kalsada?!

Hik hik hik!

‘Yan ang hirap sa ibang lespu na gaya nitong si police colonel.

Komo may giyera kontra ilegal na droga na isinusulong ang Pangulo, ginagamit na nila sa paninindak kahit sa mga pangkaraniwang mamamayan na hindi nila kursunada.

Sonabagan!!!

Anyway, dapat sigurong kilalanin na kung sino ang police colonel na ‘yan na ginagamit ang kanyang baril sa paninindak ng mga sibilyan.

PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, pakisudsod nga ninyo ‘yang police colonel na ‘yan na nagtatago sa likod ng gatilyo at bunganga ng kanyang baril?!

Baka kapag kailangan na niyang iputok ‘yan ‘e biglang kumalambre ang kanyang daliri at mag-backfire pa sa kanya?!

Uulitin lang po ng inyong lingkod, ang tunay na matapang hindi kailangang umamoy ng pulbura bago makatindig nang tama.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *