Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Home Sweetie Home, tuloy pa rin (sa pag-alis ni JLC)

“TULOY pa rin ang ‘Home Sweetie Home’.” Ito ang sagot ng isa sa mainstay ng sitcom na si Ogie Diaz sa ipinadala naming text kahapon nang kumustahin kung ano ang mangyayari ngayong magpapahinga muna sa showbiz ang isa sa bida nitong si John Lloyd Cruz.

Matatandaang noong Biyernes ay nagpalabas ng statement ang ABS-CBN na nagkasundo ang aktor at ang Kapamilya Network na mag-indefinite leave of absence muna siya para ayusin ang ilang personal na bagay.

Sinabi pa ni Diaz na magge-guest-guest lang ng mga aktor  sa sitcom habang wala si JLC.

Ukol naman sa lumalabas na usaping si Empoy Marquez ang kapalit ni Lloydie, sinabi ng magaling na komed-yante na wala siyang alam dito at tila hindi totoo iyon.

“I doubt it. Andyan si Jobert Austria, Pinong, at Mitoy Yonting. Nandiyan pa kami, “ giit niya. “Pero, ewan ko rin.”
Sa kasalukuyan, napapanood pa rin si JLC dahil nakapag-advance taping pa ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …