Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

‘Girl Power’ sa Senado

MUKHANG ngayon pa lang nagkakagulo na ang mga partido politikal sa bansa kung sino-sino ang kanilang gagawing pambatong kandidato sa senatorial race para sa  darating na midterm elections sa May 2019.

Hindi maikakaila na ang PDP-Laban na ngayon ay pinamumunuan ni Senate President Aqui-lino “Koko” Pimentel III ang pinakamaimpluwesiya kung makinarya ang pag-uusapan dahil ito ang kasalukuyang partido ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Pero hindi nangangahulugan na ang isang kandidato kapag tumakbo sa ilalim ng partido ng administrasyon ay nakatitiyak na siya ng panalo. Ang integridad, prinsipyo at higit sa lahat ang usapin sa popularidad ay napakahalaga para manalo sa isang pambansang halalan.

Ngayon, may ibang lebel na rin na tinitingnan ang mga botante. Ito ‘yung tinatawag na “Girl Power.”

Asahan na may sasabak sa senatorial race sa darating na May 2019 elections na pawang mga babae at magsusulong ng power ng mga kababaihan. Hindi rin malayong pawang mga kababaihan ang mananalo at mangunguna sa 12 senators na maihahalal sa midterm polls.

Ang tatlong babaeng senatorial candidates o reelectionist ay sina Senador Cynthia Villar, Nancy Binay at Grace Poe. Inaasahan namang bubuo sa “Girl Power” ay sina Davao City Mayor Sara Duterte, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Karen Davila.

Binubuo ng anim na kababaihan ang “Girl Power” na malamang na magdomina sa darating na May 2019 elections. Sa ngayon, walang matinong kandidato sa Senado ang maaaring maitapat sa tinaguriang “Girl Power.”

Napapanahon ang “Girl Power” sa Senado dahil kung tutuusin, sa mahabang kasaysayan ng politika sa bansa, kalimitan, ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso, ay laging dominado ng kalalakihan.

At kung tuluyang mananalo ang nasabing anim na kandidato, walong senador na pawang mga babae ang bubuo sa bilang ng mga senador sa 2019.  Ang dalawang iba pang babae sa Senado na hanggang 2022 pa ay sina Senador Risa Hontiveros at Leila de Lima.

Bagamat dominado pa rin ng kalalakihan ang Senado, higit na maisusulong ang interes ng kababaihan sakaling makaupo ang anim na kandidatong babae.

Kaya nga, ang ginawang paghahayag ni Pimentel sa anim na  senatorial candidate ng PDP-Laban ay nakatatawa dahil pawang walang kapana-panalo ang nabanggit niyang mga pangalan.

At parang nahihibang na si Pimetal nang sabihin niyang 12-0 ang gagawin nila sa darating na senatorial elections dahil kung tutuusin basura naman ang pinangalanan niyang mga kandidato.

SIPAT
ni Mat Vicencio



About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *