TULAD ng abogadang si Atty. Gabby Concepcion (na may segment sa Unang Hirit sa GMA) ay itinawa rin lang ng kanyang kapangalang aktor ang ‘di sinasadyang pagkakamali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati kamakailan.
All along kasi, ang tinitira ni Digong sa kanyang speech ay si Mr. Gabby Lopez ng ABS-CBN. Ito pa rin ‘yung lumang isyu sa millions of peso-worth na political ads—na hindi umere—sa kasagsagan ng kampanya noong 2016.
Honest mistake nga ang nangyari sa parte ni Digong who mistook the actor for the network boss, pero sa ganang amin, since lumang usapin na nga ito’y dapat isinasantabi na ng Pangulo ang tungkol doon.
Mas marami pa kasing mas mahahalagang national issues na dapat talakayin at pagtuunan ng pansin.
The funny part was that, all along pala ay tila nasa psyche o kamalayan ni Digong si Gabby, ang aktor, na kamakailan ay itinanghal na Best Actor sa Asian TV Awards. Baka proud lang si Digong sa achievement ng isang kababayan sa larangan ng pagganap sa international community.
But going back sa tirade ng Presidente sa Kapamilya Network, marami ang curious kung saan patungo ito. Hindi na ba lalagdaan ni Digong ang dokumentong magpapanatili ng operasyon nito?
Minsan na noong rehimeng Marcos na naipasara ang ABS-CBN, and from the looks of it ay mukhang mauulit ang kasaysayan.
Na huwag naman sanang ipahintulot mangyari dahil magiging salungat ito sa democratic ideals na muli nating nakamtan noong 1986 sa ilalim ng Cory administration.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III