ISINULONG ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang karagdagang P15 bilyon standby fund bilang alokasyon sa rehabilitasyon ng war-torn Marawi City.
Ang karagdagang pondo ay ibibigay sa Malacañang sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations portion ng P3.76-trillion 2018 budget.
Ito ay bukod sa P10 bilyon sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) fund para sa 2018.
Hindi na kailangan pang magpasa ng supplemental appropriation bill kung ang P15 bilyon ay “nakahanda na” sa Unprogrammed Appropriations, ito ay kung saka-ling ang P10 bilyon ay hindi sumapat o naubos bago matapos ang 2018.
Sa ilalim ng nasabing budget laws, ayon kay Recto, “amounts authorized under Unprogrammed Appropriations can only be released when tax and non-tax revenues exceed collection goals, or if loans for a particular activity are secured.”
Sinabi ni Recto, ang pinakamalaking item sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations ay tinatawag na “risk management” fund na nagkakahalaga ng P30 bilyon, na layong punuan ang “maturing obligations” at iba pang government commitments sa ilalim ng nakaraang Public Private Partnership projects.
“Kung mayroon ta-yong inilalaan na P30 billion for the change orders, cost overruns, contingent liabilities sa PPP, bakit hindi rin natin gawin ito para sa Marawi?” paha-yag ni Recto.
“We can rearrange, revise the components of the unprogrammed fund to accomodate the needs of Marawi, which must be prioritized,” aniya.