Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blanktape, hahataw sa Padi’s Point Bar Tour

PATULOY sa paglikha ng musika ang rapper/composer na si Blanktape. Bukod pa riyan, kaliwa’t kanan din ang show niya tulad sa Bar K.O. with Manny Paksiw every Thursday.

Ngayong October hanggang November naman, mapapanood si Blanktape sa kanyang Padi’s Point Tour. Abangan si Blanktape live: Oct. 13- Fairview (Friday), Oct. 14-Olongapo (Saturday), Oct. 15- Baguio City (Sunday), Oct. 22- Las Piñas, Oct. 27- Biñan (Friday), Nov. 9- MOA (Thursday), Nov. 10- Bacoor (Friday), Nov. 12- Araneta (Sunday), Nov. 17-Sangandaan, Novaliches (Friday), Nov. 19- Philcoa (Sunday), Nov. 24- Sucat (Friday), at Nov. 26- Marilao (Sunday).

Ano ang latest na kantang nagawa niya? ”Ang bagong naisulat ko na kanta ay Miss Bonita na isinulat ko para kay Rafael Centenera. Plus iyong Wag Ganon at Aspin ni Awra and iyong kay Enrique Gil na Mobe, co-composer ko roon si Diorap… Iyong Sayang naman ni KZ Tandingan ay sinulat namin ni Cielito “Diorap” Diola at Arlen “Blanktape” Mandangan,” wika ni Blanktape, ang latest single ay Gusto Mo Loadan Kita.

Nabanggit din ng singer na wish niyang gawan ng kanta sina Willie Revillame at Vice Ganda. ”Hindi ko pa po nagagawan ng kanta si Willie Revillame, wish ko na magawan ko siya ng kanta, pati po si Vice (Ganda). Actually, marami pa po akong gustong gawan ng kanta, bukod kina Kuya Wil-lie at Vice, pati na rin sina Angeline Quinto at Kim Chiu.

“Kabilang naman sa idol ko sa pagsu-sulat ng kanta ay sina Joey de Leon, Bitoy (Michael V.) at Rey Valera. And pati si Lito Camo. Kasi ang mga likha nilang kanta ay talagang may recall, may tatak sa masa, at ang gaganda ng idea nila.

Masasabi kong mga henyo sila sa musika at talagang may pulso sa pagsusulat, mga institusyon na rin sila sa local music industry.”

Sinabi rin ni Blanktape kung bakit gusto niyang gawan ng kanta si Vice, “Si Vice kasi ay versatile talaga, magaling siya. Gusto ko lang din pong ma-challenge ang sarili ko sa kung anong type na kanta ni Vice. Hanggang makuha at magawa ko ang gusto niyang kanta.”

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …