Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala nang tiwala sa PNP ang mamamayan

BINATIKOS ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III  ang pagpatay ng mga hindi kilalang hitmen sa konsehal ng Puerto Galera, Oriental Mindoro na si Melchor Arago at sa anak niyang 15-anyos na lalaki nitong Martes.

Sakay ang 52-anyos na si Arago ng kanyang kotse na nakaparada sa harap ng kanilang bahay nang paputukan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo. Binaril din at napatay ng mga suspek ang kanyang anak na si Kenneth na palabas ng kanilang bahay.

Sabi ni Ka Koko: “Isa na naman itong pagpatay na karaniwan nang modus operandi ng mga lalaking lulan ng motorsiklo. Nasaan ang kapayapaan at kaayusan na dapat nating tanawin bilang utang loob batay sa sabi [PNP Chief] dela Rosa?”

Malinaw na tinukoy ng Senate President ang galit na pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa na tinukoy niyang ang mga kritiko ng giyera kontra droga ay “ingrato” o walang utang na loob.

Hinamon ni Pimentel, malaki ang nagawa sa pagpasa ng NBI Modernization Law, ang PNP na ayusin ang hanay nito.

Giit niya: “Sobra na ang lakas ng loob ng mga kriminal sa kawalang kakayahan ng pulisya sa pagdakip sa kanila,”

Base sa datos mismo ng PNP, may 6,225 pagpatay kaugnay sa ilegal na droga mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2017.

Idinetalye ito sa 2,290 drug-related deaths o kasong pagpatay na iniimbestigahan; 3,850 pagpatay sanhi ng operasyon ng PNP; at 85 pulis o militar na napatay sa aksiyon.

Para kay Pimentel, hindi katanggap-tanggap ang marami sa mga hindi nalutas na kasong pagpatay na nasa ilalim ng imbestigasyon.

Paglilinaw niya: “Ang isang pagpatay na hindi kinakailangan ng kamatayan ay napakarami. Idagdag pa ang malaking bilang ng hindi nalutas na pagpatay, na pinasama pa ng mga biktimang menor de edad, at magsisimula kang magtaka kung bakit naroon ang mga pulis.”

Idiniin ng lider ng Senado na dapat may wastong pagsasanay at kaalaman ang mga pulis para isulong ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga at kriminalidad.

Dagdag ni Ka Koko: “Kailangan ng sambayanang Filipino ang makabago, propesyonal at may kakayahang puwersa ng pulisya. Sa ngayon, hindi taglay ng PNP ang mga katangiang ito. Kailangan natin ang radikal na aksiyon para mabago ang ganitong estado ng mga pangyayari,” dagdag ni Pimentel.

Ipinanukala ng Senate President ang VFA-style treaty sa mga dayuhang puwersa ng pulisya para sanayin ang PNP.

Matagal nang isinusulong ni Pimentel ang modernisasyon ng PNP bilang panguhing nagtaguyod ng Republic Act No. 10867 o ang “National Bureau of Investigation Reorganization and Modernization Act.”

Pero sa nangyayari sa hanay ngayon ng PNP, parang balewala sa mga pulis kung wala nang tiwala sa kanila ang sambayanan.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …