Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Ngising-demonyo ang mga kapitan at kagawad

NGAYONG tuluyan nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakatakdang eleksiyon sa barangay at Sangguniang Kabataan,  tiyak na ngising- demonyo sa saya ang karamihan sa mga incumbent na barangay chairman, kagawad at lider ng SK.
Nitong nakaraang Lunes, 2 Oktubre, nilagdaan ni Digong ang Republic Act 10952 na nagpapaliban ng barangay elections na sana ay gagawin ngayong 23 Oktubre 2017.
Isinasaad sa batas na ang eleksiyon sa barangay ay gagawin sa susunod na taon (2018), sa pangalawang Lunes ng buwan ng Mayo, at ang mga mananalong barangay officials ay magsisimula ng kanilang panunungkulan sa 30 Hunyo 2018.
Isang malaking pagkakamali ang ginawang ito ni Digong. Lalo lamang kasing nagbigay lakas-loob ito sa mga barangay chairman, kagawad at SK official na ipagpatuloy nila ang mga tawaling gawain.
Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming tamad at abusadong mga barangay officials, meron pa ngang ilan sa kanila ay sangkot sa ipinagbabawal na gamot.  Tuloy ang ligaya, ‘ika nga, at tiyak na lalong lalakas ang kalakalan ng droga sa mga barangay.
Kung natuloy kasi ang eleksiyon, may posibilidad na matalo ang mga tiwaling barangay officials pero dahil sa ginawang pagpapaliban ni Digong, parang binigyan pa niya ito ngayon ng panibagong buhay.
Hindi ba mismong si Digong ang nagsabing mayroong 5,000 barangay chairman na sangkot sa droga?  E, bakit hindi ito inaksiyonan ni Digong at lalong bakit hindi niya pinangalanan ang mga nasabing barangay chairman?
Kung nagawang pangalanan ni Digong ang mga heneral at politiko na sangkot sa ilegal na droga, bakit hindi niya pangalanan ang mga barangay kapitan na sangkot sa droga? Ang masakit pa, parang pamaskong handog ang ginawa ni Digong sa mga barangay officials dahil sa pagpapaliban ng halalan.
Walang lohika ang hakbang na ito ni Digong. Tiyak na lalong lumaki ang ulo ng barangay officials, at ang mga pusher at adik sa kani-kanilang barangay ay magdiriwang sa ginawang ito ng presidente. 
Kung tutuusin alam na naman talaga ng mamamayan sa bawat komunidad kung sino ang barangay chairman na sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Bukod pa sa mga kapitan ng barangay, kilala rin nila kung sino-sino pang kagawad at tanod ang gumagamit ng droga.
Kung nais talaga ni Digong na malinis ang mga komunidad sa droga umpisahan niya ito sa mga opisyal ng barangay. Maglunsad ng totoong drug test sa mga kapitan, kagawad, tanod at SK officials kasabay ng paglulunsad ng seryosong Oplan Tokhang.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *