Monday , November 25 2024

Balatkayo, isang OFW movie na mapangahas at tatalakay sa sex scandal

ISA ako sa mapalad na naunang nakapanood ng pelikulang Balatkayo ng BG Productions International at agree ako kay Dennis Evangelista na mapangahas ang pelikula at tiyak na magugustuhan ng masa crowd at maging ng millenials crowd.
Kaabang-abanag ang ipinakitang husay ng award-winning actress na si Ms. Aiko Melendez. Tampok din sa pelikula sina Polo Ravales, Nathalie Hart, James Robert, Rico Barrera, at iba pa.
Ang Balatkayo ay mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan at isinulat ng box-office writer/director na si Jason Paul Laxamana na gumawa ng pelikulang 100 Tula Para Kay Stella.
Naging inspirasyon sa pagbuo ng pelikula ang sunod-sunod na “sex scandal” na kinasasangkutan ng mga sikat na personalidad at mga ordinaryong tao lalo ng mga kabataan. Sa kuwento ay may kumalat na sex video ang teenager na si James (na walang takot na sumabak sa frontal nudity sa pelikula with his sex partner). Dito nagkagulo ang kanyang OFW parents, ang mag-asawa sa pangalan pero may kanya-kanyang minamahal na sina Aiko (nagtatrabaho sa Singapore pero may lihim na relasyon sa isang OFW played by Rico Barrera) at si Polo na OFW sa Dubai at nahuhumaling sa magandang OFW played by Nathalie.
Relatable ang mga eksena, madrama pero natural ang pagkakasulat ni Laxamana at makatotohanan ang execution ni Direk Neal. Punong-puno ng maiinit na eksena ang Balatkayo, matindi ang sex video ni James kasama ang baguhang si Kristine Barreto. Sabi, naka-condom daw ang bagets sa kang full frontal nudity. Hindi rin pahuhuli sa maiinit na eksena sina Nathalie at Polo na siguradong mag-iinit ang inyong dugo. Kaabang-abang ang eksenang naka-white brief na nagtampisaw si Polo sa Jumera Beach sa Dubai, habang todo-emote.
Bonus sa pelikula ang mga landmark ng tourist spots sa Singapore, Dubai, at Abu Dhabi na actual na nag-shooting ang produksiyon. Kaabang-abang ang acting ni Gov. Emilia ng Wildflowers na si Aiko. Dito sa Balatkayo, hindi caricature, hindi kontrabida, hindi rin martir ang karakter ni Aiko, kundi isang ina na nagmahal, nasira ang pamilya pero pinilit bumangon at hinarap ang katotohanan ng buhay.
Palabas na ang Balatkayo sa October 11 in cinemas nationwide. Ito’y handog ng BG Productions ni Ms. Baby Go at distributed by Regal Films Inc. Bukod sa regular showing, nakatakda rin itong ipalabas sa Singapore, Hong Kong, Abu Dhabi, Dubai, at Bahrain.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *