Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rita, 50 na pero parang tin-edyer pa rin

KUNG paaandarin namin ang aming wild guess, close to 50 na ang edad ni Rita Avila. But who cares? Upclose and personal ay mukha pa rin siyang teenager kompara sa ibang mas batang aktres na mukha nang matrona.

Visible these days si Rita sa pagpo-promote ng kanyang third and latest children’s book she wrote herself. Pinamagatang Ang Kuwento nina Ronron Meron at Lala Wala, isa na namang ma-inspirasyon ang aklat na naglalayong ibahagi ang values na kailangang taglayin kahit musmos pa.

Ang dalawa pa sa mga librong si Rita ang may-akda ay Ang Kuwento nina Bentot Lembot at Ging-ging Astig at The Tale of Popi Puti and Mimim Makutim.

Kasabay ng pagpo-promote ni Rita ng naidaos nang book launch sa Cristy Ferminute, inamin ng mahusay na aktres na kahit asawa pa niya si direk FM Reyes ay hindi ‘yon dahilan para bigyan siya nito ng preferential treatment sa set. “He treats me like any other cast member, parang hindi kami mag-asawa. Sasabihin niya sa staff, ‘O, tawagin n’yo na si Rita Avila, magte-take na tayo!’ Siyempre, pagdating sa bahay, back to normal na,” kuwento ni Rita.

It’s also interesting to note na hindi nagtapos si Rita ng Literary Writing o related course sa pagsusulat pero noon pa ma’y natuklasan na niya ang talent. Rita is a graduate of HRM mula sa UST.

Talbog!

HOT, AW
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …