Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Modelo mabubulag sanhi ng eyeball tattoo

NANGANGANIB mabulag ang isang mata ng modelong mula sa Ottawa, Canada makaraang tangkainn lagyan siya ng eyeball tattoo ng kanyang boyfriend gamit ang tintang kulay lila.
“The artist, my ex-boyfriend, just kept pushing me until I got it done that night,” pahayag ni Catt Gallinger, 24, sa panayam ng Vice.
“We were only together for a month, but I’ve known him for years. It was something I thought I could trust him with because he had a portfolio. I was wrong,” dagdag ng dalaga.
Aniya, aksidenteng nagkamli ang kanyang dating kasintahan na si Eric Brown nang gumamit ng karayom na sadyang mas malaki na napasobra sa pagturok sa kanyang mata gamit ang ‘pure ink’ sa halip na ink na diluted sa saline.
Kasunod nito, agad siyang nagpunta sa ospital dahil nakararanas siya ng pananakit at pamamaga ng kanyang kaliwang mata, ngunit pinauwi rin siya ng mga doktor dahil sa inisyal na pagsusuri ay wala silang makitang dapat na ikabahala ng pasyente.
Gayonman, nagkonsultang muli si Gallinger sa isa pang doktor matapos makaranas ng kahintulad na mga sintomas simula nang magpatingin siya sa kanyang mata. Dito na nadiskubre ang masamang kondisyon ng dalaga.
Nagpahayag ng depensa si Brown sa kanyang pagkakamali, at sa panayam ng CBC, sinisi niya ang dating girlfriend sa hindi pag-aalaga sa kanyang mata matapos ang pagtatato, at gayondin ang hindi paggamit ng eye drops gaya ng kanyang inirekomenda.
Sinalungat ang binata ng mga eksperto sa pagsasabing sadyang delikado ang procedure. Ayon sa opthalmologist na si Setareh Ziai, sa panayam din ng CBC, ang naranasan ni Gallinger ay isang extreme version ng mga possible risk sa maselang pagpapatato ng mata.
Hindi naman sinisisi ni Gallinger ang kanyang dating kasintahan at sa halip ay itinuturing ang kanyang karanasan bilang bagay na hindi sinasadya ng kanyang ex.
“At this point, every day is different. Some days I feel a bit better, other days I kind of want to give up,” aniya. (Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …