Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

INGRATO! (Hugot ni Gen. Bato dela Rosa)

SADYA lamang talagang may hugot mga ‘igan o desmayado si Philippine National Police (PNP) chief, DG “Bato” Dela Rosa, kaya natawag niyang ingrato ang mga kritiko sa drug war, na pinuna ng mga mambabatas.

“You can criticize us to high heavens, but I can tell you, sa inyong mga mata, mga critic, sabihan ko kayo, ingrato kayo ha!” ani Dela Rosa. “Alam ko nakikinabang din kayo sa peace and order na idinulot sa atin ng war drug,” dagdag ni Dela Rosa.

Paliwanag ni “Bato” mga ‘igan, mas marami nga namang mahihirap ang nagbebenta ng droga kaysa mayaman. ‘Ika nga n’ya, dapat maintindihan ang estruktura ng “drug pyramid.” Sa drug pyramid, ‘yung mayayaman umanong drug-lord o ‘yung nag-iisang drug-lord ang nasa itaas, at pababa umano ito…down the line…at ‘yung pinakamababa na level, d’yan umano ‘yung street-pushing-level ‘ika ni “Bato” na puro mahihirap na tao.

Binigyang-diin ni Bato, kung wala nga namang lumalaban, walang mamamatay. Hangga’t meron umanong lalaban may tsansa talagang mamatay ang lumalaban o ‘yung pulis na nilalabanan.

Kaliwa’t kanan ang mga batikos! Pukol dito, pukol doon! Kapwa lahat may pakialam sa mga nangyayari sa bansa. Magandang senyales na ang lahat ay may pakialam o nakikialam! Ngunit laging iisipin, ang lahat ng pagkilos ay dapat tungo sa kapayapaan at pagkakaisa ng sambayanang Filipino at hindi ang pagkakawatak-watak nito!

BARANGAY OFFICIALS
SA LAWTON
IPA-LIFESTYLE CHECK

Lintek din naman mga ‘igan ang Brgy. 659–A Zone 68 na pinamumunuan ni Punong Barangay (P/B) Ligaya Santos! Aba’y ito na yata ang pinakatiwaling barangay sa Lungsod ng Maynila! Mantakin n’yo nga naman mga ‘igan, ayon sa aking ‘pipit-na-malupit’ inokupa na umano ang kapaligiran ng Lawton, partikular ang Plaza Lawton, sakop ng nasabing barangay, sa mga ilegal na gawain, tulad ng illegal terminal, illegal parking at illegal vendors.

Sus mga ‘igan, kung ‘di ba naman gahaman umano ang mga barangay officials ni Aling Ligaya, aba’y ang mga pobreng illegal-vendors ay pinaalis umano.

Ha? Bakit? ‘Ika nila’y “No Vendors Allowed!” (E…sino ang allowed?) Dahil ang ‘allowed’ lamang umano, mga hawak na ‘vendors’ ng magkapatid na Barangay 659-A kagawad Robert at Ronilo! Take note ‘igan, magkapatid na barangay kagawad ‘yan, na bawal, sus ginoo! Hindi lang ‘yan mga ‘igan, kasama nila ang mga kagawad na sina Niel, Arturo at Roberto. Aray ko po!

Bulong ng aking ‘pipit-na-malupit’ mga ‘igan, biglang yaman umano ang mga hinayupak mula nang maging opisyal ng Brgy. 659–A Zone 68. Sa katunayan, dagdag ng aking ‘pipit-na-malupit’, si kagawad Robert na nagsisilbing ‘collector’ umano ng biyaheng Sucat, ay nagkaroon ng dalawang (2) SUV, tatlo (3) SUV naman ang kay Kagawad Niel, na ‘collector’ ng biyaheng South Mall. Isang (1) SUV kay kagawad Roberto at isa (1) rin SUV kay Kagawad Arturo, na pawang mga ‘collector’ umano ng bumibiyaheng pa-Cavite.

Ang yaman ng mga kagawad ninyo Chairman Ligalig ‘este Ligaya?

Aba, aba, aba…mga ‘igan, kung may katotohanan ang sumbong ng aking ‘pipit-na-malupit’ aba’y gising Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada!

Sir, baka wala kayong kaalam-alam na ginagamit na pala mag-aamong ‘yan ang buong Lawton para sa kani-kanilang pagkakakuwartahan.

He he he…aba’y ipa–lifestyle check’ ‘yan mga ‘igan! Mantakin n’yong biglang yaman umano ang mga damuho! Malaking katanungan sa mga barangay officials na ‘yan ang yamang meron sila ngayon!

Sus, kaya naman pala lagi umanong nasa casino ang mga tinamaan ng lintek!

‘Di po ba Idol Percy…Abangan…

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …